Chapter 26

901 61 11
                                    

Group Page: Ate Ice's Stories
=============================
*Dianne's POV*

"May date ba kayo?" Tanong ni Joanna sakin na halos ikalaglag ng mata at panga ko

"H-Ha? Anong date?" Tanong ko naman sa kanya

"Eh? So...hindi kayo nagde-date?" Inosenteng tanong ni Joanna

"Hindi no!/ What!? No!" Sabay naming sagot ni Kevin kaya napatingin naman ako sa kanya at siya ganun din sakin pero agad ko rin namang iniwas ang tingin ko

"Ah ganun ba?" Malungkot na pagkakasabi ni Jo at tumango lang ako sa kanya

Problema nito?

"Sayang naman, akala ko kasi nagde-date kayo eh at ng matuloy na yung love team niyo" bulong ni Jo habang naka-nguso pa pero rinig ko naman kaya agad namang namula ang pisngi ko

Ba't ba ako ganito?

"Kayo? Ba't kayo magkasama?" Tanong ko na lang sa kanya

"Ah, nakita ko kasi kanina si Glen dun sa may shelf ng mga delata kaya ayun sumama na lang siya, ewan ko nga rin kung bakit, bakit ka nga pala sumama sakin?" Tanong ni Joanna kay Glen kaya napakamot na lang ito ng ulo

"Ah ka~" naputol ang sasabihin ni Glen ng tumunog ang cellphone ko

"Ay teka lang, tumatawag si Mommy eh, excuse lang ha?" Paalam ko muna sa kanila at medyo lumayo muna sa kanila at sinagot na ang tawag ni Mommy

"Hello? Mommy? Bakit po?" Tanong ko kay Mommy

"Dianne? Nasa mall ka pa rin ba?" Tanong ni Mommy sa kabilang linya

"Opo, my bakit po?" Tanong ko ulit, haha ang kulit ko

"Kasama mo ba ngayon si Kevin?" Tanong niya rin, pansin ko lang hindi pa sinasagot ni Mommy yung tanong ko kung bakit siya tumawag

"Opo Mommy pati po si~"

"Sige, sabihan mo si Kevin ihatid ka dito sa bahay, ngayon na" sabi ni Mommy at in-end na ang tawag

Okay? Ang weird ni Mommy ngayon ha pero di ko na lang ito pinansin at bumalik na sa kanila ni Jo, Glen at Kevin

"H-Hindi ah!" Sigaw ni Jo kaya nag-taka naman ako, ba't sumisigaw ang isang 'to?

"Jo? May problema ba?" Tanong ko sa kanya

"Ehh kasi itong si Kevin kung ano-ano pinagsasabi" sagot niya at ngumuso kaya napatingin naman ako kay Kevin at nagkibit-balikat lang naman siya kaya hinayaan ko na lang

"Ay oo nga pala guys kailangan ko na palang umuwi hehe" paalam ko sa kanila at tumingin kay Kevin at sasabihan ko na sana siya kaso bigla na lang siya nagsalita

"Hatid na kita" sabi niya kaya tumango na lang ako since yun din naman ang sasabihin ko sa kanya eh naunahan niya nga lang ako

"Sila na ba?" Rinig ko pang bulong ni Jo kay Glen kaya dali-dali akong lumakad palabas ng mall at ng nasa labas na ako ay naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep kaso may pumigil sakin kaya napahinto ako sa paglalakad

"Where are you going?" Tanong sakin ni Kevin

"Ahm...uuwi na?" Patanong kong sagot sa kanya

"Tsk! Let's go" sabi niya at hinila ako papunta sa...eh? Parking lot?

"Sakay" sabi niya at binuksan ang pinto sa may passenger seat ng sasakyan niya

"Eh? Sure ka ba? Okay lang naman saking mag-je~" pinutol niya ang sinasabi ko gamit ang masasamang tingin niya

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon