Chapter 28

831 52 2
                                    

*Dianne's POV*

Hanggang ngayon nandito pa rin kami sa loob ng van at naka-blind fold pa rin at hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mga kamay ko na nanginginig habang ang kanang kamay ko ay hawak-hawak ni Kevin.

"Tol, maganda din 'tong isang 'to oh, magpiyesta kaya muna tayo?" Nakakapanindig-balahibong sabi ng lalaking nasa likuran ng upuan namin ni Kevin

"Hahaha oo nga 'tol" sabi naman ng nasa kaliwa ko kaya tuluyan na akong napa-iyak

"Don't touch her you *ssh*les!" sigaw ni Kevin sa kanila

"Tumahimik ka nga diyan!" Sigaw ng isang lalaki at naka-rinig na lamang ako ng isang malakas na pagkakasampal

Kevin...Anyone...Please...Help us...

"Tss mga g*go! Kung gusto niyong maunang mamatay edi gawin niyo" sabi ng isa pang lalaki

"Aish!" Reklamo ng lalaki sa likuran namin ni Kevin

"Hahahaha tol bakit? Tigang ka na? Hahaha" tawa ng isa pang lalaki pero wala na akong paki-alam sa kung anong pinag-uusapan nila, ang gusto ko lang sa ngayon ay ang maka-alis kaming dalawa ni Kevin ng buhay dito

Maya-maya lang ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan at narinig ko ang pag-bukas ng sasakyan

"Nandito na tayo! Dalhin niyo na yung dalawa sa loob!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki at naramdaman ko na lamang ang marahas na paghila sakin palabas ng kotse at ang pagkaka-alis ng blind fold ko

"Aaaah! Bitawan mo ko!" Sigaw ko habang nagpupumiglas kaso masyadong malakas ang lalaking may hawak sakin at hindi ako makawala sa hawak niya

"Tumahimik ka! Maglakad ka na lang kung gusto mo pang mabuhay!" Sigaw niya at nakaramdam na lamang ako ng isang matigas na bagay sa tagiliran ko

"D*mn you! *boogsh* argh" narinig ko ang boses ni Kevin at alam kong nasuntok na naman siya

Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa harap ng isang pintong gawa sa steel, parang vault

"Boss! Nandito na yung inutos mo" sigaw ng isa sa mga lalaking kumidnap samin at bigla na lamang may nagsalita

"Itali niyo sila" sabi ng isang boses lalaki pero imbis na isang tao ang makita ko eh isang speaker lang ang nasa loob, I think wala siyang balak magpakita at tinali nga kami ng mga lalaking kumidnap samin. Magkaharap kami ni Kevin ngayon pero nasa kabilang dulo siya at ako naman ay nandito sa may gitna at nakatali sa isang upuan

"Magpakita kang hayop ka! Anong kailangan mo samin!?" Sigaw ni Kevin

"Shh Mr. Kevin Delgado malalaman mo rin kung sino ako, but for now, hindi ikaw ang kailangan ko, kundi yang kasama mo" sabi ng lalaki sa speaker na ikina-kaba ko

"It's good to see you, again, miss Dianne Wolfret" sabi niya

"S-sino ka? Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko sa lalaki

"Hindi na yun importante, ang importante ay ang nalalaman mong password" sabi niya

"Password? Kung sa Facebook po okay, ibibigay ko po password ko huhu pakawalan niyo lang po kami" iyak ko sa kanya

"Tanga!!! Hindi yun ang ibig kong sabihin!!! Ngayon, sabihin mo sakin ang password sa vault na 'yun!!!" Galit niyang sigaw kaya mas napaiyak na ako

"Huhuhu wala na po akong ibang alam na password o kahit na vault huhuhu" sagot ko sa kanya ng nakapikit na ang mga mata at tuloy pa rin sa pag-iyak

"Ayaw mo talagang sabihin ha? Sige, alam niyo na ang gagawin niyo" sabi ng lalaki sa speaker at lumapit naman yung mga lalaking kumidnap samin papunta kay Kevin na nakatali sa harapan ko

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon