Chapter 8

1.2K 68 3
                                    

*Dianne's POV*

"Ay teka, nasaan na nga pala ang anak niyong si JK?" tanong ni mommy

Jk? Sino yun? Natanong ko na lang ang sarili ko

"Ah nasa Amerika. Dun kasi siya nag-aaral, ewan ko nga kung anong plano ng batang yun. Sabi niya kasi baka next year dito na siya mag-aaral kaso para naman siyang walang pake. Ay teka. Upo muna kayo, pasensya na at inuna ko pa ang pagdaldal haha" magiliw na sabi ni Tita Sherly

"Haha ikaw talaga mare kahit kailan hindi ka pa rin nagbabago haha" sabi ni papa sa kanya

"Haha eh sa yun ang minahal sakin ng hubby ko eh di ba be?" Tanong ni tita Sherly sa kay tito Kristofer

"Oo naman be" sagot naman ni tito kristofer kay tita Sherly kaya napatawa na lang kaming lahat

"Hahaha"

"Ay teka, kumain na ba kayo? Nagpahanda ako ng pananghalian" sabi ni tita Sherly kaya bigla na lang

Sjgacjddbfs <- tunog ng tiyan ni Dianne

"Ahm hehehe sorry po" paghingi ko na lang ng tawad

Nakakahiya

"Haha sige tara kumain muna tayo. Mukha kasing gutom na 'tong isang 'to" biro pa ni tito Kristofer kaya nagtawanan na lang kaming lahat at nagtungo na nga sa kusina para kumain.

Pagdating namin dun ay nagulat ako sa dami ng pagkain na nakahanda

"Wow. May fiesta po ba dito pa?" Tanong ko kay papa pero isang kibit balikat lang ang sinagot niya sakin

"Grabe mare ang dami naman yatang pagkain, may hinihintay pa ba kayong ibang bisita?" Tanong ni mommy sa kay tita Sherly

"Haha ano ka ba naman mare, eh siyempre mga importanteng bisita kayo namin kaya normal lang na ganyan kadami ang pagkain. O sige na umupo na kayo at kumain na tayo" sabi ni tita Sherly

Normal? Normal ba ang may pang-isang barangay na mga pagkain para lang sa sampung tao? Kami ni mommy at papa, sila ni tita Sherly at tito Kristofer at yung dalawa nilang maid, isang driver at dalawang guard.

"Sige magdasal muna tayo" sabi ni papa kaya nagdasal na kami at nagsimula nang kumain

Habang kumakain kami ay nag-uusap rin sila, medyo OP na nga ako eh.

"Ah iha, Dianne may boyfriend ka ba ngayon?" Biglaang tanong ni tita Sherly kaya nabulunan naman ako dun

Cough cough cough

Agad ko namang inabot ang tubig at ininum ito

"Ehem...ah hehe wala po akong boyfriend ngayon" sagot ko naman sa tanong ni tita Sherly

"Oh good!" Masiglang sabi ni tita Sherly

Good? Bakit naman?

"Shirley" halata sa boses ni tito Kristofer ang pagsuway kay tita Sherly

"Ah ang ibig niyang sabihin anak is mabuti at wala ka pang boyfriend at makakapagfocuse ka sa pag-aaral mo" sabi agad ni papa

Uhm anong problema nila?

Hindi ako t*ng* para hindi mahalatang may problema. Pero mukha yatang hindi pa sila ready na sabihin yun sakin kaya hahayaan ko na muna

"Ah hehe. Opo kailangan ko pa pong palitan lahat ng sakripisyo nila papa at mommy para sakin kaya nag-aaral po ako ng mabuti" sabi ko na lang

"Ay kaybait na bata. Haay sana kagaya mo yung anak namin" sabi ni tita Sherly

"Salamat po ti~" bigla namang naputol ang sasabihin ko ng biglang nagtatatakbo ang maid nila papasok

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon