*Dianne's POV*
"Kuya, answer me honestly" sabi ni JK kaya napatingin naman ako sa kanya
"What?" Tanong naman ni Kevin sa kanya
"Do you like Dianne?"
Nagulat ako sa tinanong ni JK kay Kevin pero Hindi ko alam, Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ba't pati ako nag-aabang sa isasagot niya?
"Kuya? Silence means yes you know" sabi naman ni Kristine
"Tss. I don't, I will never love her"
Sagot niya sa tanong ng mga kapatid niya ng may seryosong mukha
Pero bakit? Bakit ako nakaramdam ng sakit sa dibdib?, expected na rin naman yun di ba? Tsaka sino nga ba ako para magustuhan niya?
"Hahaha oo nga naman, kayong dalawa ha? Ano namang pumasok sa utak niyo at natanong niyo yan?" Natatawang tanong ko sa kanila ni JK at Kristine at nagkatinginan naman silang dalawa
"Eh ikaw Dianne? Do you like my brother?" Tanong na naman ni JK kaya nagulat naman ako dun
Hot seat teh!
"Ha?" Tanging nasabi ko. Ang dali lang naman ng tanong niya ah pero ba't di ko masagot? Haaay ano ba 'to?
"E~" biglang bumukas ang pinto at niluwa nito sila Tita Shirley at Tito Kristofer kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nagpa-alam na muna ako kanila Tita at Tito na bibili muna ako sa canteen, nagugutom na rin ako eh
Pagkarating ko sa canteen ng hospital ay bumili na lang ako ng Milo at dalawang pack ng buns na tinapay hayaan niyo na, gutom ako eh, at pagkatapos kong bumili ay naupo ako sa may pinaka-sulok na pangdalawahang upuan at binuksan na yung pack ng tinapay at kumuha ng isa sabay sawsaw nito sa milo at pagkatapos ay nilamon ko ng buo yung tinapay
Habang ngumunguya ay naalala ko na naman yung sagot ni Kevin kanina
Tss. I don't, I will never love her
Tss. I don't, I will never love her
Tss. I do~
Aarghh!!! Ano ba 'to? Ba't ba pabalik-balik yun sa isip ko? Haay nababaliw na yata ako
I-kain mo na lang yan yhan
Oo, tama, gutom lang ako kaya ako nagkakaganito.
Habang lumalamon ako dito at nag-iisip ng kung ano-ano ay may biglang umupo sa may bakanteng upuan sa harap ko kaya napatingin naman ako sa kanya habang punong-puno pa rin yung bibig ko ng tinapay
"Pwede maki-share?" Tanong niya at kahit na nagtataka ako kung bakit dito pa siya sakin naki-share sa dami ng bakanteng upuan ay tumango na lang ako, except kasi sa hindi ako makapagsalita kasi ng puno ang bibig ko eh ayoko namang maging bastos tsaka isa pa, cute naman siya eh kaya okay lang pero kapag pangit 'to baka nabuga ko na sa mukha niya yung laman ng bibig ko, de joke lang, tumawa ka
"Hi" bati niya ng nakangiti kaya napataas naman ang kilay ko at nilunok muna yung kinakain ko
"Hello" sabi ko at uminom ng Milo
"Ako nga pala si Ivan, Ivan Jung" pakilala niya sa sarili niya ng nakangiti at inabot ang kamay niya for shake hands kaya kinuha ko na lang to para di siya mapahiya
"Uhm, Dianne, Dianne Wolfret" sabi ko sa kanya at nag-smile din. Mukha naman siyang mabait eh kaya I think pwede ko siyang maging kaibigan
"Nice to meet you Dianne" sabi niya at ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...