*Dianne's POV*
Tulad mo by TJ Monterde ang gagawan namin ng music video para sa endterm project namin so ibig sabihin...
"Kayo ang kakanta ha?" Sabi ni Jo sa kanila Kevin, Glen at Mike
"What? Why? Besides I don't know how to sing" sagot naman sa kanya ni Mike
"Siyempre kasi lalaki ang original na kumanta nito tsaka yung lyrics nung kanta ay about sa feelings ng isang lalaki sa isang babae kaya natural na kayo talaga ang kakanta" sagot ulit ni Jo sa kanya
"E Jo paano kung isa lang sa kanila yung kumanta pero tatlo pa rin silang bidang lalaki dun sa music video" suggest ni Eryell at agree ako dun kaya tumango-tango ako bilang pagsang-ayon
"Hmm pwede rin, so sinong kakanta sa inyo?" Tanong ni Jo at agad akong napatingin kay Kevin, actually hindi lang ako kundi kaming lima ng may ngiti at pag-asa sa mga mukha namin, kaya agad niya kaming sinamaan ng tingin
"No" sagot niya samin at sabay-sabay namang bumagsak ang mga balikat namin
"Bakit naman hindi?" Tanong ko sa kanya
"Oo nga bakit naman hindi?" Ulit ni Eryell sa tanong ko at tumango naman si Jo kaso hindi niya kami sinagot at bigla na lamang tumayo at lumabas ng classroom
"Tsk tsk tsk, hayaan niyo na, may pinagdadaanan pa yung best friend ko eh haha" pabirong sabi samin no Glen pero halata namang nag-aalala rin sa kaibigan niya
"So...paano na 'yan? Ayaw ni Kevin, sayang ang ganda pa naman ng boses niya" nanghihinayang na sabi ni Jo
"Baka naman pwede natin siyang mapilit?" Suggest ko sa kanila na agad inilingan ni Glen
"Once he made up his mind, it will be permanent" sagot niya ng seryoso at tumayo rin para sundan si Kevin
"Okay?" Nasabi ko na lang
"Okay class, pagusapan niyong mabuti ang tungkol sa project niyo, remember wala na kayong end term exam kaya dito ko ibabase ang mga grado niyo sa music video na gagawin niyo, okay?" Sabi ni miss
"Yes miss" sagot namin sa kanya at inayos na namin ang mga gamit namin at lumabas na ng classroom
Hanggang sa umabot na ng lunch ay...wala. Wala kasi kaming magawa ang boring nga ngayong araw eh
"Guys?" Tawag ko sa kay Jo, Yell at Beb
"Bakit?" Tanong ni Beb
"Eto na naman ang pinakamalaki nating problema, saan tayo kakain?" Tanong ko sa kanila. Nandito na kasi kami sa may tapat ng coliseum namin at ilang steps lang sa kaliwa ay mararating mo na ang Stingers, 'yan yung tawag sa canteen namin dito, ewan ko nga rin kung bakit naging ganyan.
"Stingers?" Tanong ko sa kanila
"Na naman?" Nasabi ko rin kaagad, nakakasawa na kasi
"Sa labas na lang tayo kumain" sabi ni Jo at nag-agree naman kami kaya lumabas na kami ng school at naghanap ng makakainan
Habang naglalakad kami sa daan ay may nakasalubong kaming dalawang babae, yung isa mga nasa-30 na ang edad at yung isa naman ay mga nasa-70 na ang edad, nanlilimos sila
"Guys may barya kayo?" Tanong ko sa kanila Jo at Eryell
"Eto pero piso lang 'to" sabi ni Yell at binigay sakin
"Salamat ye. Ikaw Jo?" Tanong ko kay Jo
"Wala eh" sagot niya sakin na tinanguan ko naman. At kumuha na ng barya sa bulsa ko at binigay sa dalawang babae
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...