Chapter 24

1K 57 35
                                    

Facebook Group Page: Ate Ice's Stories

=============================
*Dianne's POV*

Natapos na ang klase namin at nakasakay na ako ngayon ng tricycle papunta sa bahay namin at pagdating ko dun ay nakita ko agad ang kotse ni Papa na gamit niya tuwing nasa trabaho siya

Ba't ang aga naman yata ni Papa ngayon?

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita sila ni mommy na nag-uusap sa sala

"Pero bakit?" Tanong ni mommy na naluluha

"Hindi ko alam pero hindi nila pwedeng makuha yun" sagot naman ni Papa

"My? Pa? Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa kanila kaya agad silang napalingon sa direksyon ko

"Anak! K-kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Mommy habang sinesenyasan akong umupo sa tabi niya

"Hindi naman po my, kakarating ko lang po. Bakit po?" Tanong ko sa kanya

"Ah haha wala anak. Gusto mo bang magmeryenda? Magluluto ako ng pancit canton" sabi ni Mommy at nagpunta na sa kusina at kumuha ng apat na pancit canton

"Pa?" Tanong ko kay papa pero bago pa man siya makasagot ay tinawag na ako ni mommy

"Anak! Tulungan mo ko dito" sabi ni Mommy kaya wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa kusina at tulungan si Mommy sa pagluluto

Pero hindi ako t*nga para hindi malaman na may nililihim talaga sila sakin

Pero kung ano man iyon, alam kong para ito sa ikabubuti ng pamilya namin

*David's POV*

Hindi ko na alam ang gagawin, paano nila nalaman na nasa akin ang password? Hindi nila dapat makuha yun kasi kapag nangyari yun malalagay sa piligro ang buong Pilipinas kaya hindi talaga pu-pwede

*Kring Kring Kring*

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag si kumareng Shirley

"Hello? Mare?" Tanong ko pagkasagot ko pa lang ng tawag

"Kumpare, kamusta kayo?" Tanong niya sa kabilang linya

"Haay eto nag-iingat" sagot ko sa kanya at naramdaman ko naman ang yakap ng asawa ko kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid

"Alam niyong nandito lang kami, handa kaming bigyan kayo ng proteksyon" sabi niya

"Alam ko yun mare at nagpapasalamat ako dun ang kaso nga lang eh ang anak namin, gusto namin siyang mamuhay ng normal, ng walang pinagtataguan o kinatatakutan" sagot ko sa kanya

"Naiintindihan ko pare, sige, uutusan ko ang anak kong bantayan siya" sabi niya sa kabilang linya na nagpabawas sa takot na nararamdaman ko para sa anak ko

"Sige mare, maraming-maraming salamat" sagot ko sa kanya at pinutol na niya ang tawag

"Hon, huwag kang mag-alala, alam kong poprotektahan tayo nila Shirley at ng agency nila" sabi ng asawa ko at niyakap ako kaya tumango na lamang ako sa kanya at niyakap rin siya pabalik

Oo, Tama, may mga taong tutulong samin, ang kailangan ko lang gawin ay siguraduhin ang kaligtasan ng pamilya ko

*Kevin's POV*

Nandito ako ngayon sa agency namin. Ang agency na ito ay tinatag ng Lolo ng Lolo ko at sa ngayon si Dad ang naghahandle nito at kapag nag-retire na siya ay ako naman ang maghahandle nito. So yeah, this is built to protect the country ibig sabihin isa itong legal na underground business. Dito ginagawa ang mga bagay na hindi dapat malaman ng mga mamamayan ng bansang to. Katulad na lamang sa pag-i-ispiya sa China at sa iba pang bansa na tinuturing na threat sa bansa natin at eto nga ngayon, kapag nakuha nila ang password ng vault, sigurado akong ikapapahamak iyon ng lahat ng Pilipino at lalaong-lalo na ng pamilya nila Dianne

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon