Chapter 14

1.1K 58 5
                                    

*Dianne's POV*

"May ime-meet kasi kami dito eh" sabay rin naming sagot

"Kayo rin!?" Sabay na sabay naming sigaw

Teka...kung may hinihintay sila at yung mga information na bigay ni Kevin sa text sumakto lahat sa kanya...ibig bang sabihin nun...siya talaga si Kevin? As in yung Kevin sa Smule?

"Sino namang ime-meet niyo? Lalaki yan no?" Mapanguyam na tanong ni Glen kaya napakunot naman ang noo ko

"Anong ibig mong sabihin sa tono ng pananalita mo? Oo, lalaki ang imemeet namin dito pero kaibigan ko yun" sagot ko kaagad sa kanya kasi si Jo alam kong hindi yan makakasagot at ramdam kong nakayuko lang siya

"Kaibigan? O baka naman client?" Nakangisi pang tanong nito

G*go to ah. Anong akala niya samin pick up girl?

"T-Teka sobra naman yata yun. Hindi naman kami ganun kababang klase ng babae" sagot ni Jo sa mahinahong tono na tinaasan lang ng kilay ni Glen

"Yhan tara na. Baka pwede mo na lang sabihan 'yang kaibigan mo na sa susunod na lang kayo mag-meet?" Tanong ni Jo sakin at kita ko sa mga mata niya ang mga namumuong luha kaya tumango na lang ako sa kanya at tinignan ng masama si Glen

"Ge alis na kami. At Kevin pakisabi na lang pala diyan sa kaibigan mo na sana sa susunod piliin naman niya yung mga salitang gagamitin niya. At sana sa susunod matuto siya ng salitang respeto" sabi ko kay Kevin at agad ng hinila si Joanna paalis sa lugar na yun

"Yhan sorry, hindi kita napagtanggol kanina, ikaw lang yung sumasagot sa kanya" pagsorry ni Jo

"Okay lang yun, ano ka ba? Ganun talaga eh sa magkaibigan tayo eh kaya ipagtatanggol kita. Tsaka nakakahigh blood kasi yung lalaking yun. Gwapo nga pangit naman ng ugali" sagot ko sa kanya

"Hehe oo nga tama ka. Tara window shopping tayo?" Tanong ni Jo at agad naman akong tumango sa kanya. Habang naglalakad kami ay may naalala ako kaya bigla akong napahinto sa paglalakad

"Bakit?" Tanong ni Jo

"Nakalimutan kong i-text si Kevin. Teka lang" sabi ko sa kanya at kinuha ang cellphone sa bulsa ko at tinext na si Kevin

Kevin, sorry ha. Nagkaemergency kasi kaya umalis na kami dun. Sorry ulit. Sa susunod na lang pwede?

Sent

"Tara na" sabi ko sa kay Jo at nagsimula na kaming magikot ng mall

*Glen's POV*

(Ms. Ice: eeeehhh my fave hahaha. Ehem...back to the story)

"What?" I ask Kevin 'cause he keep on staring at me and then shake his head

"You shouldn't have done that" he said

"Done what? I was just saying my thoughts" sagot ko sa kanya

"Bahala ka. Pero ba't mo ba sinabi yun?" Tanong niya ulit

"Haha wala lang. Pinagtitripan ko lang sila. And there I found out that their leader *doing the quotation sign* is a cry baby" nakangising sagot ko naman sa kanya

"Tss. Your an *ssh*le" sabi niya sakin na tinawanan ko na lang

Maya-maya lang ay may nagtext sa kanya at dahil may lahing chismoso ako ay nakibasa na rin ako

I'm sorry but Mr. Benedict cancelled his meeting with you today because he needed to attend a very important event. By the way sir, this is his secretary, Katelyn :)

"Kailan pa naging ganyan ang formal message?" Tanong ko kay Kevin na in ignore lang ako kaya hinayaan ko na lang

"Let's go. This meeting is useless" sabi niya at tumayo na kaya tumayo na rin ako at naglakad na kami palabas ng kainan na 'to

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon