Chapter 40

377 17 1
                                    

*Dianne's POV*

Kanina pa ko nakatali dito sa isang upuan with matching blind fold pa, ang sakit na nga rin ng mga kamay ko na nakatali eh ang higpit kasi masyado ng pagkakatali nila.

"Hello? May tao po ba diyan?" tanong ko kahit na di ko alam kung meron nga ba akong kasama dito

"Shut up!" narinig kong sabi ng isang babae

"Miss ano po bang kasalanan ko sa inyo? Ano pong kailangan niyo sakin?" kinakabahang tanong ko sa kaniya

"I said shut the f*ck up!" sigaw niya at nakaramdam na lang ako ng isang sampal sa kanang pisngi ko at nilagyan din nila ng takip ang bibig ko kaya napa-iyak na lang ako ng tahimik

Huhuhu sakit nun!

"Give me that!" sigaw nung babae tapos maya-maya lang ay narinig ko siya ulit magsalita

Bakit ang pamilyar ng boses niya?

"Kevin Delgado" sabi ng babae

Si Kevin!

"Hmmm!" sigaw ko kaso nakalimutan kong may takip pala ang bibig ko kaya di rin nila naintindihan ang sinigaw ko

"That doesn't matter, what matters now is this girl" sabi ng babae at narinig ko ang mga yapak na papalapit sakin at mukhang nasa may likuran ko siya. Nung tumigil na ang mga huni ng yapak ay naramdaman ko naman ang biglaang pagtanggal ng takip sa mata at bibig ko, kumurap-kurap ako para maka-adjust ng maayos ang mga mata ko at ng okay na ang paningin ko ay nilibot ko ang tingin ko at nakita ang ilang mga lalaki sa harap ko at alam kong nasa likod ko yung babaeng nagsalita kanina

"Sino kayo!? Anong kailangan niyo sakin!? Tulong! Tul~hmm!!!" sigaw ko sa mga taong kasama ko ngayon kaso agad din naman nilang tinakpan ang bibig ko, di na nila tinakpan ang mga mata ko kaya kitang-kita ko pa rin sila ngayon

Habang ino-observe ko ang paligid ay napansin kong nasa isang warehouse kami kaso di ko nga lang alam kung saang warehouse to.

Narinig ko ulit ang mga yapak ng babae at nakita kong naglalakad siya papunta sa harap ko at ng tuluyan na siyang makaharap sakin ay nanlaki ang mga mata ko

Angel?

Hindi ako makapaniwala na involve siya sa pag kidnap sakin

"Hello Dianne, do you still remember me?" tanong niya sakin habang pinaglalaruan yung buhok ko. Nakatitig lang ako sa kanya kasi kahit naman sagutin ko yung sagot niya eh hindi niya pa rin ako maiintindihan at mukhang napansin niya rin yun kaya marahas niyang tinanggal yung takip sa bibig ko

"Angel, ano to? Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya habang pilit pa rin tinatanggal yung pagkakatali sa mga kamay ko

"Shh don't worry hindi naman kita sasaktan eh, I just want the password" sabi niya

"Ha? Password? Password saan?" tanong ko sa kanya pero hinablot niya lang ang baba ko at medyo diniinan ang pagkakahawak dito

"Pwede ba huwag ka na magkaila, alam kong alam mo ang password sa vault na kinalalagyan nung nuclear bomb" sabi niya pero napakunot-noo lang ako

Nuclear bomb?

"Aish this d*mn b*tch!" sabi niya at tumayo na ng maayos

Nakakunot pa rin ang noo ko ng maalala ko dati yung araw na napunta kami nila papa at mommy sa bahay nila Kevin dahil sa may nagtangka saming mag-ambush

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon