*Dianne's POV*
Lumipas ang ilang araw at naka-labas na rin sa ospital si Kevin pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli yung kumidnap samin
"Yhan? Yhaaaaannnn????" Nabalik na lang ako sa reyalidad ng may nakita akong kamay na kumakaway sa harap ko
"Ha?" Sabi ko kay Eryell na kanina pa pala ako kinakausap
"Anong ha? Kanina pa ko salita ng salita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig" Sabi niya sa nagtatampong tono
"Ay hehehe sorry yell, may naisip lang kasi ako eh kaya di ko napansin, sorry na" Sabi ko at niyakap siya
"Hmph" Sabi niya at tumingin sa kabilang direksyon
"Sorrryyy naaa" Sabi ko at nginudngod ang mukha ko sa mukha niya
"Ahhh okay na, okay naaa" sigaw niya habang iniiwas ang mukha niya sa mukha ko
"Hehehe" Sabi ko at tumigil na sa kaka-kuskos ng mukha ko sa kanya
"Yhan" tawag ng isang babae sakin kaya lumingon ako pakanan at nakita ko doon si Yuki Mashimo, isang half-japanese na classmate namin
"Yuki! Hello! Hehe bakit?" Tanong ko sa kanya
"Nakita niyo ba si Joanna? May kailangan kasi akong ipasa sa kanya eh" Sabi niya
"Ah di pa nga namin siya nakikita eh" sagot ni Eryell sa kanya
"Ay ganun ba? Sige, una na muna ako ah" Sabi niya at umalis na
"Sige bye-bye" Sabi namin sa kanya at nag-wave na lang rin
"Oo nga yell no, nasan kaya si Jo?" Tanong ko kay Eryell
"Ewan ko, baka nasa library?" Patanong niyang hula
"Haha Siguro, baka gumagawa na naman siya ng stories niya" Sabi ko sa kanya
"Sige hayaan na muna natin siya" Sabi ko sa kanya at nagsimula nang lumakad
"So...saan tayo pupunta?" Tanong ni Eryell
"Hmm...tambayan tayo?" Suggest ko sa kanya at pumayag naman siya kaya pumunta na kami dun.
Nang makarating kami sa tambayan namin ay agad kaming naupo ni eryell
"Ay y~" may sasabihin sana ako sa kay eryell kaso biglang humuni ang cellphone ko kaya kinuha ko muna 'to at tinignan kung sino ang tumatawag
"Sino yan yhan?" Tanong ni eryell at nakisilip din sa cellphone ko
"Si mommy, teka lang sagutin ko muna" sabi ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot kaya sinagot ko na ang tawag ni mommy
"Mom? Bakit po?" Tanong ko kay mommy
"Nak, nasa school ka pa ba?" Tanong ni mommy sa kabilang linya
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...