Chapter 13

1.1K 53 3
                                    

*Dianne's POV*

Mag-meet? Kami? Oh my god. Seryoso? Di nga?

Meet? - ako

Yes - Kevin

Hindi ako sigurado kung pupunta ako o hindi, I mean, hindi ko pa siya ganun kakilala tsaka baka kung anong mangyari sakin kapag pumunta ako ng mag-isa

If you want, you can bring your friends with you. I'll bring my friend too - Kevin

Hmm...pwede rin.

Okay. Is it okay if I bring two friends of mine? - Ako

Yeah sure - Kevin

Yes. Isasama ko sila ni Jo at Eryell para sure akong walang mangyayari saking masama at kung meron man edi may tutulong sakin pero huwag naman sana

Okay then see you tomorrow? - Ako

Yeah, see you. I can't wait to finally meet you in person - Kevin

Iiiiihhhh...kilig much ♡♡♡

"Anak, ba't di ka pa natutulog?" Biglang pasok ni papa kaya muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko sa sobrang gulat

"Papa naman eh huwag ka naman pong manggulat" sabi ko sa kanya habang nakanguso pa at nakahawak ang kamay sa dibdib

"Hahaha mukha kang kuwago anak. Oh eh ba't nga gising ka pa?" Tanong ulit ni papa

"Ah hehe...uhm..." ba't hindi ko masabi kay papa?

"Hmm boyfriend mo ba 'yang kachat mo?" Sabi ni papa na ikinabigla ko

"Ho!? Papa naman! Study first muna!" Sagot ko kay papa at hinampas siya sa balikat

"Hahaha kuuu nagdadalaga na ang prinsesa namin" sabi ni papa at niyakap ako ng sobrang higpit

"P-papa h-hindi na po a-ako maka...hinga" pilit na sabi ko at agad naman niya akong binitawan

"Ganito anak, makinig ka ha?" Sabi ni papa kaya tumango na lang ako kahit na medyo nagtataka pa ako

"Hindi naman sa pinagbabawalan kitang mag-boyfriend pero sana huwag lang 'yan makasagabal sa pag-aaral mo at sana hindi 'yan maging dahilan para magbago ka. Tandaan mo lang na may tamang panahon para sa lahat" sabi ni papa

"Opo papa alam ko po yun. Tsaka pa hindi ko naman po boyfriend 'tong kachat ko eh. Friend lang po kami" sagot ko kay papa

"Pero lalaki?" Tanong niya ulit

"Opo bakit po?" Sagot ko naman

"Eh di dumadamoves na yan" sabi ni papa at tumayo na

Huh?

"Basta bago mo sagutin 'yan, ipakilala mo muna sakin at nang makilatis ko ng mabuti" sabi ni papa at lumabas na nga ng kwarto

"Ano raw? Sagutin? Si Kevin?" Kausap ko sa sarili ko at unti-unting humulma ang ngiti sa labi ko ng maimagine kong boyfriend ko si Kevin

"Kyaaaahhh" sigaw ko ng may unan na nakatakip sa bibig ko para hindi marinig nila papa at mommy. Eh sa naiimagine ko eh

*Tit Tit*

Napahinto naman ako sa kakaimagine ng tumunog ang cellphone ko, may nagtext kasi

Yhan gd eve. May assignment ba tayo? Thank you

Ah si Jo pala ang nagtext. Teka, macheck nga muna ang copy ko kanina

Kinuha ko ang isang binder na notebook sa loob ng bag ko at isa-isang chineck ang bawat subject ko at tinignan kung may assignment kami o wala at ng makumpirma kong wala naman kaming assignment ay agad ko ng nireplyan si Joanna

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon