Chapter 44

483 17 11
                                    

*Shirley's POV*

"Pwede ka na lumabas diyan" sabi ko at nakita ko ngang lumabas na ang anak ko sa pinagtataguan niya

"Thanks mom" sabi ni Kevin

"Bakit di ka nagpaalam ng maayos sa kanila?" Tanong ng Daddy niya

"Well..." Sabi ng anak ko habang nagkakamot ng batok at di makatingin ng diretso sa amin ng Dad niya

Di ko napigilan ang paghagikgik kaya napatingin sila sakin pero umiling na lang ako

"Tara na, pumasok na tayo sa loob" sabi ko sa kanila at lumingkis na sa mga braso nila at diretsong pasok na kami sa bahay namin.

Nang makapasok na kami sa loob ay agad bumitaw si Kevin sa pagkakahawak ko at diretsong lumakad papunta sa kwarto niya

"Dun na po muna ko sa kwarto ko" sabi niya habang naglalakad palayo samin

"Sige nak, mag-emote ka na muna dun" sabi ko sa kanya kaya napahinto naman siya agad at napalingon sakin

"Emote? No way" sabi niya at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad kaya natawa na lang kami ng Dad niya

"Nasaan nga pala yung dalawa?" Sabi ng asawa ko

"Nasa mall yata yung mga yun" sagot ko sa kaniya ng nakatingin sa mga mata niya

"Soo...busy silang lahat?" Tanong niya ulit kaya napakunot noo naman ako

"Oo, ganun nga. Bakit?" Tanong ko ulit

"Tara!" Sabi niya

"Saan?" Tanong ko at lumapit naman siya sakin para bumulong

"Sa kwarto, gawa tayo ng ba~bvsht" di niya na natapos yung binubulong niya ng bigla kong takpan yung bibig niya sabay tulak sa kanya palayo at lakad na palayo sa manyakis na unggoy

"Hon naman!" Rinig kong sigaw niya pero di ko na lang siya pinansin

Bahala ka sa buhay mo. Ang tanda-tanda mo na ang harot mo pa rin

*Kevin's POV*

Didiretso na sana ako sa kwarto ko ng naisipan kong pumunta na muna sa kwarto na ginamit ni Dianne.

Pagkarating ko sa harap ng pinto ay narinig ko pang sumigaw si Dad

"Hon naman!" Sigaw ni Dad. Siguro naglolokohan na naman sila ni Mommy. Di ko na lang sila pinansin at binuksan na ang pinto at tsaka pumasok sa loob.

Ibang-iba na to sa time na nandito pa si Dianne. Malinis na ang buong kwarto, di gaya nung nandito pa si Dianne, ang kalat-kalat.

Tapos wala na rin yung mga gamit niya, yung ingay niya, yung kakulitan niya. Wala nang manggugulo sakin dito sa bahay.

Pero masaya na rin naman ako na okay na ang lahat ngayon sa pamilya niya. At ngayon, babalik na sa normal ang buhay niya.

Lalabas na sana ako ng may nakita akong yellow pad sa ibabaw ng study table. Lumapit ako dito at agad itong kinuha.

Isa itong sulat na may halos di ko maintindihan na sulat-kamay at sigurado ako na si Dianne ang nagsulat nito.

May nakasulat sa labas ng papel na "Hello tita Shirley! Pakibigay naman po to sa kay Kevin. Thank you."

Dear Kevin,

Hi Kevin! Kaloka ka! Di mo man lang kami hinayaan na ihatid ka kahit hanggang airport lang. Pero mukhang nagmamadali ka kaya sige na lang. Ingat ka sa America ha, huwag mo din sana kami kalimutan. Magkikita pa naman tayo diba? Makukumpleto pa naman ang barkada natin diba? Sana oo ang sagot mo.

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon