Chapter 34

402 27 5
                                    

*Dianne's POV*

Kinabukasan ay nagising ako na lowbat na yung MP3 kaya i-cha-charge ko na sana, ang kaso nga lang eh wala pala sakin yung charger kaya pumunta ako sa kwarto ni Kevin pero wala siya dun kaya mamaya ko na lang muna 'to i-cha-charge. Bumalik ako sa kwarto ko at ginawa na ang mga morning routines ko. Nang matapos ay agad na akong lumabas ng kwarto ko at pumunta na sa kusina para maka-kain na ko ng agahan.

Pag-dating ko sa may kusina ay nakita ko lang si ate ChaCha na naghahanda ng agahan.

"Ate?" Pagtawag ko Kay ate ChaCha

"Ay ate mo!" Nagulat niyang pagkakasabi kaya natawa naman ako

"Haha nasan po sila tita Shirley? Pati na rin po sila mommy?" Tanong ko sa kanya habang medyo natatawa pa rin kaya ngumuso lang siya

"Ay umalis na sila kanina eh, di ko alam kung saan sila pupunta, halika kain ka na" Sabi niya ng matapos na siyang mag-hain sa hapag-kainan

"Eh si Kevin po?" Tanong ko sa kanya habang umuupo

"Ha? Bakit? Wala ba sa kwarto niya?" Tanong niya din pabalik

"Wala po eh, dun na rin po kasi ako galing" Sagot ko sa kanya

"Oh my God!!! I-ibig mong sabihin eh..." Sabi niya ng nanlalaki ang mga mata niya kaya nagtaka naman ako pero di ko na lang pinansin at ininom ang juice ko

"M-may nangyari na sa inyo!?" Bulalas ni ate ChaCha kaya nabulunan naman ako

*Cough* *cough* *cough*

Dali-dali rin namang tumakbo si ate ChaCha palapit sakin para tulungan ako at nang mahimasmasan na ko ay agad akong nagsalita

"Ano ba yan ate ChaCha, Wala naman pong nangyari eh" Sabi ko sa Kay ate pero yung mukha niya eh Yung mukhang di naniniwala

"Weh? Sure ka? Baka dine-deny mo lang yan" Sabi niya Kaya mas Lalo pang namula ang pisngi ko

Ba't yun ang iniisip ni Ate ChaCha? Green minded din 'to eh

"Ewan ko po sayo ate. Sige po kailangan ko na pong umalis, baka mamaya po eh ma-late po ko sa school" Sabi ko sa kanya at tumayo na at lumabas na ng bahay ng maalala kong wala nga pala ngayon si Kevin so kailangan kong mag-hanap ng sakayan ng Jeep para makapunta na ko ng school.

Mula sa bahay nila Kevin ay nilakad ko lang hanggang sa maka-rating ako sa may main gate ng subdivision at buti na lang ay may Jeep ng naka-parada dun kaya di na ko nag-hintay pa at sumakay na papuntang school.

Hindi rin naman nag-tagal ay umalis na ang Jeep at naka-rating na sa tapat ng eskwelahan namin. May 20 minutes pa naman bago ang bell kaya dumaan muna ako sa canteen para bumili ng pagkain, di ko pala kasi naubos yung pagkain ko kanina sa bahay nila Kevin, Kaya eto, gutom ako ngayon.

Nang maka-rating sa canteen ay nakita kong medyo mahaba ang pila pero dahil nga sa may time pa naman eh pumila na lang rin ako at habang pumipila ay nanonood na rin ng K-Drama na pinapalabas nila sa TV screen dito sa canteen namin, kaya hindi ako nababagot sa pagpila

"Psst, miss, umusog ka na, nandun na yung pila oh" Sabi ng babae sa likod ko

"Ay sorry po" sabi ko at agad ng umusog pauna hanggang sa naka-rating na rin ako finally sa harap ng counter

"Good morning, anong order mo?" Tanong ng sales lady sakin

"Isang slice ng blueberry cheesecake po" Sabi ko sa kay ate at agad niya naman itong kinuha at pinunch na sa computer nila at nagbayad na ko tapos kinuha ko na Yung order ko at nagpunta sa may bakanteng upuan sa gilid. Okay lang kung uubusin ko muna to bago pumunta ng classroom since may 10 minutes pa naman ako eh tsaka ang ganda na kasi ng pinapalabas nila sa TV, yung Descendants of the Sun. Yung part kung saan nag-jo-jogging yung mga army

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon