Chapter 11

1.2K 61 3
                                    

*Dianne's POV*

Back to school na naman ako, haay nakakatamad ng pumasok pero sa tuwing naaalala ko ang mga sakripisyo nila papa at mommy para sakin ay nagbago ang isip ko at mas tinatak pa sa utak ko na kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa mga magulang ko at para na rin sa future ko kaya eto ako ngayon, bumabangon pa rin, heto akoooo basang basa sa ulaan walang masisilungaan, ay teka iba na pala yun.

"Yhaaaaaan!!!!!"

"Huh?"

*stomp*

*stomp*

*stomp*

May tumatakbong tatlong babae papunta sa direksyon ko ngayon

Uhm...sino naman 'tong mga 'to?

Tanong ko sa isip ko kaya sinipat at mas pina-singkit ko pa ang mga mata ko ng makita ko sila ng mabuti kaso hindi ko pa rin maaninag eh. Hindi kasi ako makakita sa malayo, near sighted kasi ako.

"Yhaaan!!!" Sigaw ulit ng tatlong babae at dun ko lang narealize kung sino ang mga babaeng yun

Mga baliw (-__-)

"Yhan! Kanina ka pa kaya namin tinatawag. Bingi ka ba?" Tanong ni Eryell kaya binatukan ko nga

"Baliw 'to. Hindi no! Hindi ko lang talaga kayo makita sa malayo" sagot ko naman sa kanya

"Apat na nga mata mo hindi mo pa kami makita?" biro ni Eryell

"At anong problema mo sa apat na mata? Ha?" Nakapameywang na tanong ni Jo, nakalimutan yata ni Eryell na hindi lang ako ang may deperensya sa mata samin

"Ah hehe peace Jo (^__^)" sabi naman ni Eryell habang naka-peace sign kaya natawa na lang kami ni Beb sa kanila at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Papunta na kami ngayon sa classroom namin. At pagdating namin doon ay wala pa si Miss kaya chika-chika muna tungkol sa anime, K-pop, J-pop, at mga crush namin

"Good morning class!" Biglang sigaw kaya napa-ayos naman kami agad ng pagkaka-upo at nakinig na kay miss

"Good morning Miss" sagot namin sa kanya

"Today we will discuss about the~" naputol ang sasabihin ni miss ng dahil sa biglaang pagkatok sa pinto

"Excuse me class" sabi ni miss at lumabas muna ng room.

Ano kayang meron? Sana good news

Hindi rin naman nagtagal si miss at pumasok na sya ulit sa room pero hindi niya muna sinarado ang pinto siguro nandun pa yung kausap niya

"Class mukhang may bago kayong mga kaklase. Boys come in and introduce yourselves" sabi ni miss kaya medyo naexcite naman kami.

Hihi sana mga gwapo (^__-)

Pumasok na nga yung mga ago naming classmates at pagka-harap nilang dalawa samin ay...

"Kyaaaahhh!!!!"

"Ang gu-gwapo nila!!!"

"Kyaaah!!! Finally may gwapo na rin dito sa class natin!!!"

Sigaw ng mga classmates kong babae at binabae pero yung mga lalaki naman naming kaklase naka-busangot at yung iba medyo bwisit yung mga mukha, sino ba namang hindi, kung sabihin ba namang 'Finally may gwapo na rin dito sa class natin' hindi ka kaya mabwisit nun

Pero iba ang reaksyon ko. Oo nga mga gwapo nga naman ang mga bago naming kaklase pero bakit sila nandito? Sino? None other than...
.
.
.
.
KEVIN and GLEN

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon