Chapter 15

1.2K 59 2
                                    

*Dianne's POV*

Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising kasi may pasok na naman, nakakatamad nga eh pero kailangan eh

Nang nasa may jeep na ako ay nakikinig lang ako sa cellphone ko ng music, siyempre with earphones baka maka-istorbo ako sa ibang pasahero eh.

Nang nasa may waiting shed huminto yung jeep na sinasakyan ko ay may mga lalaking sumakay actually dalawa sila

Ang gwapo nila (*__*)

Hindi ko man lang namalayan na napatitig na ako sa kanila pero nagulat na lamang ako at biglang umakbay ang isang lalaki sa isa at inihilig naman ng isa ang ulo nito sa balikat ng isa

What the~? Sayang, lumiko ng landas eh

Maya-maya lang ay pumara na ako at bumaba na, sa hindi kalayuan ay nakita ko si Jo na naglalakad kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya. Mabilis ko siyang nakita kasi suot-suot ko yung salamin ko

"Jo!!!" Sigaw ko na ikinagulat naman niya

"Ay kaba~ Yhan!" Sigaw rin niya at nag hug kami at nagpatuloy na sa paglalakad

"Yhan antok pa ako" reklamo ni Jo at halata nga ito sa may ilalim ng mga mata niya, paanong hindi eh 5 am pa lamang ng umaga ay kailangan na niyang gumising kasi bumabiyahe pa siya eh, hindi kasi taga-syudad si Jo, kailangan pa niyang bumyahe ng isang oras mula sa kanila papunta dito.

"Okay lang Yhan Jo, half day lang naman tayo ngayon eh kaya makaka-uwi ka kaagad" sabi ko sa kanya

"Oo nga no? Ay C.R muna ako" sabi niya kaya pumasok muna kami sa C.R ng mga babae, alangan namang sa mga lalaki

Pagkapasok namin ay ginawa na ni Jo ang kailangan na niyang gawin at ako naman ay inayos ang itsura ko sa salamin

Gaya ng sabi ng teacher ko nung highschool ako ay ang mga babae raw ay tumatagal sa C.R kasi sobrang dami pa nilang nilalagay sa mukha nila, may konting sampal- sampal sa may cheeks, pintura sa labi at suklay ng kilay pati na rin ng buhok na kulay rainbow.

Habang naghihintay na matapos si Jo sa pagaayos ng itsura niya ay hininaan ko muna ang volume ng music ko

"Yhan tara na" sabi ni Jo kaya lumabas na kami ng C.R at pumasok na ng classroom

Pagkarating namin ay hindi rin naman nagtagal ay nagbell na at dumating na ang teacher namin. Computer Application pala ang subject namin ngayon kaya medyo hindi ako inaantok, hilig ko kasi ang computer pero sa mga data encoding lang ako mahilig, sa games hindi masyado except sa may counter strike

"Good morning class" bati ni sir

"Good morning sir" bati namin pabalik sa kanya

"We will not have a class today" panimula ni sir at agad naman kaming nagsaya, siyempre sinong estudyante ang hindi di ba?

"But...But instead we will have a contest" dagdag ni sir na ikinareklamo namin

"Aaaaww" rinig kong sabi ni Jo at si Eryell ay nakanguso na

"I will let you encode this datas and whoever win, will be chosen to be our representative in the upcoming Computer Studies Contest sa susunod na lingo at siyempre they will be given an incentive. An exemption on the exam and if they win the contest, they will receive a plus 1 on their term grade" sabi ni Sir na mukhang nagustuhan naman ng mga kaklase ko

Magsisimula na sana kami ng bumukas ang pintuan at pumasok sila ni Kevin at Glen

Kaklase rin pala namin sila dito?

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon