Chapter 33

403 19 0
                                    

*Dianne's POV*

"My name is Ivan Jung. It's nice to finally meet you, Kevin" pagpapakilala ni Ivan kay Kevin pero tinignan lang 'to ni Kevin at tumingin sakin ng masama

"Okay? Uhm...sige Dianne, una na ko since nandito na naman si Kevin eh" sabi ni Ivan

"Ah sige, salamat nga pala ulit sa libre ha?" sabi ko sa kanya ng naka-ngiti

"No problem, sa susunod ikaw naman ang manliliibre ha?" pabirong sabi niya

"Hahaha sige ba basta may pera lang ako hahaha" sagot ko sa kanya at may sasabihin pa sana si Ivan kaso bigla na lang sumingit sa usapan namin si Kevin

Ay nandito pa pala si Kevin haha

"Just leave if you want to leave" malamig na pag-kakasabi ni Kevin kay Ivan

"Chill out dude, don't worry hindi ako manggugulo sa date niyo. Sige Dianne alis na ko, bye, see you next time" sabi ni Ivan at nag-lakad na paalis

"Tsk" rinig ko namang sabi ni Kevin

"Hoy, ano bang problema mo? Ba't ganon ka kay Ivan? Ang bait ng tao eh" sabi ko kay Kevin pero sinamaan lang ako ng tingin at nag-simula ng mag-lakad

"Ah so pag-katapos mong paalisin si Ivan eh iiwan mo na naman ako dito? Sige, bahala ka diyan, akala mo susunod ako sa'yo, huh!" Inis kong bulong at nag-lakad sa kabilang direksyon ng nilalakaran ni Kevin

Bahala ka sa buhay mo, kainis ka, akala mo di ako makaka-uwi kapag wala ka? May pera kaya ako dito, pwede na 'tong pang-sakay ng jeep

"Saan kaya ang sakayan ng mga jeep papuntang Douma Subdivision?" tanong ko sa sarili ko. Ah oo nga pala, yung Douma Subdivision po ay ang subdivision kung nasaan ang bahay nila ni Kevin.

Lakad lang ako ng lakad at hanap ng hanap sa mga sakayan ng jeep hanggang sa may napansin akong dalawang lalaki na kanina pa naka-sunod sakin kaya binilisan ko ang lakad at nag-punta sa may mga mataong lugar dito sa loob ng mall pero kahit na gaano kabilis ng lakad ko eh nasusundan pa rin nila ako at di ko na alam kung saan na 'ko pupunta kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Kevin pero wala na pala akong load.

Huhuhu Kevin nasaan ka na ba? Kasalanan ko 'to eh, kung di lang sana ako nag-inarte eh huhuhu

Lumingon ako sa likod ko at nakitang malapit na yung dalawang lalaki sa kinaroroonan ko kaya agad naman akong nag-lakad palayo at may napansin naman akong parang tattoo sa may kaliwang parte leeg nila pero di ko masyadong makita since malabo ang mga mata ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay may nabangga akong tao kaya agad naman akong nag-sorry sa kanya

"S-Sorry po" sabi ko sa kanya at mag-sisimula na sanang mag-lakad ng makilala ko ang boses na nag-salita

"Dianne! Where the hell have you been!? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Ha!?" halata sa boses niya ang inis pero di ko na pinansin yun

"Kevin...huhuhu ikaw nga huhuhu" sa sobrang takot ko kanina at saya na nakita ko na rin si Kevin ay napa-yakap na lang ako sa kanya habang umiiyak

"huhuhu" iyak ko at bumitaw na sa pagkakayakap kay Kevin

"What's wrong?" mahinahon na niyang tanong habang pinupunasan ang mga luha ko

"Huhu m-may *hik* may sumusunod s-sakin kanina huhuhu dalawang lalaki" sabi ko sa kanya at tuloy pa rin sa pag-punas ng ilong ko. Napansin ko rin na napatingin si Kevin sa paligid namin at kinuha ang cellphone niya at may tinawagan

"Someone's following her. 2 guys" sabi niya sa kausap niya sa cellphone

"Wait, I'll ask her" sabi ni Kevin at tumingin sakin

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon