Chapter 22

979 60 4
                                    

Please join the group page.

Just search: Ate Ice's Stories

Thank you 😘
=============================
*Dianne's POV*

Kinabukasan ay sabado kaya nasa bahay lang ako at nanunuod ng anime o di kaya ay k-drama. Wala naman kaming assignment or project kaya wala akong kailangan tapusin ngayon pero yun nga lang eh may quiz naman kami sa Monday sa math pero sa Monday pa naman yun eh kaya bukas na lang ako mag-aaral haha tsaka pustahan tayo yung dalawa kong kaibigan eh hindi pa yun nag-aaral. Matanong nga.

"Hi guys! Di ba may quiz tayo sa math sa Monday? Nakapag-aral na ba kayo?" - sent through messenger

"Wala pa. Sa Monday pa yun so bukas na lang ako mag-aaral haha tsaka baka makalimutan ko pa yun" - sent by Eryell

"Wahahaha waley pa. Tinatamad ako 😂" - sent by Joanna

"Hahaha same tayo!" - sent through messenger

Oh? Kitams? Ganyan po kami kasipag mag-aral *note the sarcasm*

Haay...Sige, manunuod na muna ako ng Hwarang.

V! The love of my life wait for me! I'm coming!!!!

*Kevin's POV*

"Uy tol! Ano? Hindi ba talaga pwedeng ikaw na lang ang kumanta dun sa project natin?" Tanong ni Glen na kanina pa ako binubulabog

"Tsk" sagot ko lang sa kanya. Nakaka-irita ang kaingayan niya

"Tol, project naman yun eh" sagot naman ni Mike, ewan ko nga kung bakit yan nakasama namin eh.

"Tol? Ayaw talaga? Eh kumanta ka nga dun sa may school grounds diba? Yung duet kayo ni Dianne, yieeh" sabi ni Glen na mas ikinabwisit ko. Isa pa yan eh, panay ang tukso samin ni Dianne, kasabwat niya yung isa ring kaibigan ni Dianne, ah...Sino nga ulit yun?...Ah oo. Si Joanna, sarap pag-untugin eh.

"Shut up" sagot ko sa kanya

"You know what? Bagay kaya kayo" Sabat naman ni Mike

"I second the motion!" Segunda naman ni Glen habang nakataas pa ang kaliwang kamay

"Ewan ko sa inyo" sabi ko sa kanila at lumapit sa may bartender para umorder ng maiinom.

Kei, come on let's sing!

Haha okay, okay

Haha I love you Kei

"And I still love you, Trix"

"Tol!"

"What the~Ano na naman!?" Galit na sigaw ko sa g*g*ng si Glen

"Hahaha sorry, nag-e-emote ka na naman diyan eh" sagot naman niya

"Tsk. O? Asan na yung isa?" Tanong ko sa kanya

"Ah si Mike? Nauna ng umalis, may tumawag sa kanya eh" sagot ni Glen

"Ah okay" sagot ko rin sa kanya. Nasa kalagitnaan kami ng katahimikan ng may biglang nagsalita

"Kevin? Kevin Delgado?" Tawag ng isang babae sa akin

"Who are you?" Malamig kong tanong sa kanya

"Aww you already have forgotten me?" Tanong niya kaya hindi ko mapigilang mapakunot-noo

"I'm Chelsea Klein, remember? The one in the contest?" Pagpakilala niya sa sarili niya

"Ah okay" yun lang ang sinagot ko sa kanya at bumalik na sa pag-inom

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon