Chapter 23

1K 58 6
                                    

Facebook Group Page: Ate Ice's Stories

=============================
*Dianne's POV*

Lumipas ang oras at may pasok na naman, nakapag-aral na rin kami at eto kumukuha na ng quiz ngayon sa math.

Alam niyo ba kung ano yung nakakabwisit sa school? Yun yung kapag nagle-lecture ang mga teacher eh ang dali-dali ng mga examples nila at instant gets mo kaagad tapos pag-dating ng quiz eh medyo masakit na sa ulo tapos pag-dating ng exam eh halos lumabas na ang utak mo sa ulo mo kasi ang layo-layo ng tanong sa example ng teacher mo? Yun yun eh! 😬

"Pano ba 'to?" Rinig kong bulong ni Eryell sa tabi ko kaya sinilip ko siya at nakabusangot na, sinilip ko naman sa kabilang side ko ay wala, chill lang si Jo, siguro alam niya yung sagot sa tanong huhu mabuti pa siya ako hindi ko alam eh pero kaya ko 'to!

"3 more minutes!" Sigaw ni miss kaya agad ko ng sinagutan ang quiz base sa mga naaalala ko at sa pagkakaintindi ko sa tanong.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla ulit sumigaw si miss

"Okay, pass your papers everyone" sigaw ni miss at ipinasa ko na nga ang papel ko sa harap at hihintayin ko na lang ang resulta

Lord please, sana po pumasa po ako

"Yhan? Nagets mo?" Tanong ni Eryell at umiling lang ako bilang sagot

"Ikaw Jo?" Tanong ko kay Jo

"May sagot ako pero hindi ako sure" sagot naman niya at ngumuso

"Haaay tara na, tambayan na lang muna tayo" sabi ko at tumango naman silang dalawa. Nasa may pinto na sana kami ng may tumawag sakin

"Dianne!" Agad naman akong napalingon ng may hangin effect pa at sabay flip ng buhok, de joke lang, pagkalingon ko ay nakita kong naglalakad papalapit yung tatlo samin, alam niyo na kung sino

"Bakit?" Tanong ko sa kay Kevin

"Did you get the correct answer on that quiz?" Tanong niya na inilingan naming dalawa ni Eryell

"Not sure" sagot naman ni Jo kaya napatingin naman ang tatlo sa kanya

"Anong sagot mo?" Sabay sabay nilang tanong

"Uhm..." Pati kami ni Eryell ay naka-abang na sa sagot ni Joanna

"Uhm....nakalimutan ko eh" sabi niya at sabay sabay ding bumagsak ang mga balikat namin

"Bakit?" Inosenteng tanong ni Joanna

"Wala Jo, tara sa tambayan" sabi ko at inakla ang braso ko sa braso ni Joanna at Eryell at naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa may tambayan namin sa may balcony sa 3rd floor nitong building. Wala kasi kaming rooftop dito eh kaya walang mapagtambayan kaya dito na lang

"So this is your hideout?" May biglang nagtanong sa likod namin kaya napalingon kaming tatlo

"Eh? Ba't kayo nandito?" Tanong ni Joanna sa kanila at nagkibit-balikat naman sila maliban kay Mike na sinagot ang tanong ni Jo

"Nothing, just curious" sagot ni Mike

"Ah ok" sabi ni Jo at umupo na sa tabi ni Eryell na naka-upo rin sa kanan ko. Yung tatlo naman nandun sa kabilang side nag-uusap. Makatulog nga muna. Hindi pa man ako nakakapikit ng matagal ay napamulat na lang ako bigla ng dahil sa pagtawag ni Jo

"Yhan! Yhan!" Si Jo yan

"Hmm? Bakit Jo?" Tanong ko sa kanya

"Ahm kasi ano..." Sabi niya habang tinuturo-turo ang mga hintuturo niya

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon