Chapter 10

1.2K 66 4
                                    

*Ms. Ice's POV*

Kinabukasan ay maagang nagising si Mrs. Shirley at ginawa na niya ang kaniyang mga daily routines gaya ng pagligo, pagbihis, pag-tooth brush at kung ano-ano pang kaekekan. Parang teenager lang eh no?

(Mrs. Shirley: Ganun talaga Ms. Ice. Kailangan kahit na matanda na tayo ay ina-alagaan pa rin natin ang ating sarili. Mahirap na, madami pa namang mga ahas diyan na ang hilig-hilig mang-agaw ng pagmamay-ari ng iba)

Ehem. Ok po. At FYI lang po hindi pa po ako matanda. 17 pa lang po ako. Ge balik tayo sa story. Yun nga pagkatapos niyang gawin lahat ng yun ay bumaba na siya. Nagulat pa nga si Cha-Cha kasi hindi siya sanay na maagang magising ang kanyang amo.

Gising na ba talaga si mam? sa isip ni Cha-Cha at lumapit sa kay Mrs. Shirley na nasa may ibabang parte na ng hagdan

"Good morning Cha-Cha" bati ni Mrs. Shirley sa kanya pero hindi niya ito pinansin at hinawakan ang kanyang amo sa kaliwang siko at sa kanang kamay at hinila ng mahina pabalik sa taas ng hagdan

"O? Cha, saan mo ko dadalhin?" Nagtatakang tanong ni Mrs. Shirley kay Cha-Cha na patuloy pa rin sa paghila sa kanya paakyat ng hagdan

"Shhh...okay lang po mam. Huwag kang mag-alala akong bahala sa'yo" sagot naman ni Cha-Cha sa kanya na ikinakunot lalo ng noo ni Mrs. Shirley

Anong pinagsasabi nitong batang 'to? Sa isip ni Mrs. Shirley at bahagyang tinanggal ang mga kamay ni Cha-Cha na nakahawak sa kanya

"Ano ka bang bata ka? Saan mo ba ako dadalhin ha?" Tanong ulit ni Mrs. Shirley

"Sa kwarto niyo po para makatulog pa po ulit kayo" sabi nito at hinawakan siya ulit sa kamay. Huli na niyang narealize kung anong ibig sabihin ni Cha-Cha kaya binatukan niya ito

"*boink* baliw kang bata ka. Hindi ako nagsle-sleep walk" sabi nito at bumaba na ng hagdan, nasa gitnang parte na kasi sila ng hagdan at dumiretso sa kusina sumunod naman sa kanya si Cha-Cha na nagkakamot ng ulo

Ang kati ng ulo ko. Baka may kuto? Hala! Baka yung kuto nung aso nila mam lumipat sakin? Ginamit ko pa naman yung suklay nung asong yun nung hindi ko mahanap ang suklay ko

"Cha! Anong oras nga pala umuwi ang sir mo?" Tanong ni Mrs. Shirley kaya napatigil si Cha-Cha sa pagkakamot ng ulo niya

"Ah mga 30 minutes lang po after niyong pumasok sa kwarto niyo" sagot nito sa kay Mrs. Shirley at naghugas ng kamay at nagtimpla ng kape para sa mam niya

"Mam eto po oh" sabi ni Cha-Cha at inabot ang kape sa ma'am niya

"Salamat" sagot naman nito at humigop ng kape

"Ay oo nga pala Cha. May mga bisitang darating ngayon kaya kailangan nating maghanda ng pagkain ok?" Sabi ni Mrs. Shirley sa kay Cha-Cha na nagpupunas ng lamesa

"Sige po. Ano pong lulutuin natin?" Excited na tanong ni Cha-Cha. Nasabi ko na bang sobrang hilig ni Cha-Cha ang magluto? Well ayan na. At hanggang sa pinagusapan nila ang mga kailangang gawin. Ang mga kailangang lutuin, mga kailangang gamit at kung ano-ano pa. Natigil lang sila ng biglang pumasok sa kusina ang dalawang binata na sina Glen at Kevin

"Mom? What's with all these stuff?" Tanong ni Kevin at kumuha ng isang sandwich at nagtimpla ng kape ganun din ang ginawa ni Glen pero sa kanya tigdalawang sandwich ang kinuha niya

"I already told you about this last night, we will have a very important visitors today, remember?" Sagot ni Mrs. Shirley

"Ah right. Sorry I forgot" sagot naman ni Kevin at inubos na ang sandwich sa kamay niya

"Tita? Are they that important that you have to prepare so much foods?" Tanong naman ni Glen habang tinitignan ang lamesang punong-puno ng sangkap at mga pagkaing kakaluto pa lamang

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon