Chapter 43

438 16 5
                                    

*Dianne's POV*

Hindi na rin naman ako nagtagal sa ospital at umuwi na ko sa bahay nila ni Kevin kaso nga lang eh di pa muna ako pumasok sa school, excuse din naman daw ako sabi ng mga teachers ko kaya okay lang.

Sa ngayon nandito lang ako sa may kwarto ko at nagbabasa ng libro.

*knock knock*

Tumayo ako mula sa pagkakaupo dito sa study table at lumapit sa may pinto tsaka binuksan 'to

"Mommy? Bakit po?" tanong ko kay mommy at binuksan ng mas malaki pa ang pinto para makapasok siya, pumasok naman siya at sinarado na ang pinto

"Nak kailangan mo na ayusin mga gamit mo" sabi ni mommy kaya nagtaka naman ako

"Bakit po my?" tanong ko sa kanya

"Babalik na tayo sa bahay natin" sabi niya

"Ahh ganun po ba? Pinapalayas na po ba nila tayo?" tanong ko kay mommy ulit

"Ano ka bang bata ka! Hindi ganun! Siyempre, since ligtas na naman tayo pwede na tayo bumalik sa bahay natin tsaka nakakahiya na sa kanila shirley" sagot ni mommy kaya napatango-tango na lang ako

Oo nga naman

"Sige po, aayusin ko na po mga gamit ko. Kelan po ba tayo aalis?" tanong ko kay mommy

"After mo mag-ayos, magpapaalam na tayo sa kanila shirley tapos alis na tayo" sabi ni mommy kaya tumango na lang ulit ako

"Kailangan mo ba ng tulong sa pag-aayos ng mga gamit mo?" tanong ni mommy pero umiling na lang ako

"Di na po my, kaya ko na po 'to" sabi ko sa kanya at tumango lang siya at lumabas na ng kwarto ko

"Okay, need ko na magpaalam sa'yo malambot na kama" sabi ko ng makaupo sa kama na ilang araw ko ring tinulugan

"Mamimiss ko 'tong kwartong 'to" sabi ko sa sarili ko habang nakangiti

Yun lang ba talaga ang mamimiss ko?

Napailing na lang ako sa naisip ko at tumayo na para kunin ang maleta ko na nasa ilalim ng kama at pinatong 'to sa kama tsaka binuksan pero nagulat ako ng may isang papel na nakatiklop na nakalagay dun.

Kinuha ko yung papel at binasa ang nakasulat dito

Dear Dianne,

Ngayon, sure ako na wala na ko diyan sa bahay at uuwi na kayo sa bahay niyo. Sorry nga pala kung di na ko nakapag sabi na aalis na ko.

Maraming salamat talaga sa mga memories na nabuo nating magkakaibigan. Di ko inaasahan na sa mundong meron ako bilang isang secret agent eh magkakaroon pa ko ng mga kaibigan na kagaya niyo. Pasensya na rin pala kung di ako ganun ka daldal kapag nag-uusap kayo ha, ganun kasi talaga ako but don't worry, I still treasure all of you as my friends.

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon