Chapter 16

1.1K 63 4
                                    

*Dianne's POV*

Nandito na kami ngayon sa venue kung saan magaganap ang contest na sinasabi ni Sir.

"Yhan okay ka lang?" Tanong sakin ni Jo pero umiling lang ako sa kanya

"Okay lang yan Yhan. Kaya mo yan. Go tsaka kasama mo naman si Kevin eh" sabi ni Jo

"Oo nga Yhan tsaka dun lang kami sa labas oh pagkatapos niyo at kung pwede na kayong umalis ay punta ka lang dun tapos hanapin mo kami" sabi naman ni Eryell

"Salamat guys, pero kinakabahan pa rin ako eh" sabi ko sa kanila

"Ganyan talaga eh sa contest to eh tsaka...ay teka nga asan na ba ang partner mo?" Tanong ni Eryell at nilibot na nga ng tingin ang paligid

"Yow!" Rinig naming tawag ng isang lalaki sa likod namin kaya lumingon kami dun at nakita sila ni Kevin at Glen na naglalakad papalapit samin

"Grabe ang gwapo nila no?" Rinig naming sabi ng isang babae sa tabi namin

"Oo nga, ano kayang pangalan nila? Papicture kaya tayo mamaya?" Sabi naman ng isa pang babae na sa tingin ko ay kaibigan ng babae kanina

"Sige sige hihi number na rin nila" sagot naman ng isa

Ang talandi talaga ng mga merlat ngayon haaay

"Dianne" tawag ng isang lalaki sakin kaya napabalik naman ako ng atensyon sa kanila Kevin

"Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Magsisimula na raw, tara na may number na rin silang binigay sakin kanina. Tara na" sabi niya kaya tumango na ako

"Go Yhan, Kevin! Kaya niyo 'yan go go go!!!" Cheer ni Beb samin

"Hahaha thanks Beb" sabi ko sa kanya

"O sige dun na kami sa labas. Ganbarou!!!" Sabi ni Jo hahaha eto ang bunsong addict sa anime eh pati language pinag-aaralan niya ng maigi pero ako sa Korean naman hehe

"Hai! Arigatou!" Sagot ko sa kanya at natawa na lang kami at lumabas na sila

"Haaay" napabuntong-hininda na lang ako para mawala ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi naman ito ang first time kong sumali ng contest pero nakasalalay kaya dito ang grades ko

"Tara na" sabi ni Kevin at nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na ako sa kanya

Pagdating namin sa designated na lamesa para samin ay may isang computer doon at isang folder na puti at mga bond paper at dalawang ball pen

"Good morning participants!" Panimula ng emcee sa stage kaya lahat kami ay napatingin sa kanya

"Ngayon ay ang unang palaro ng university natin at ngayon oras na para ipakita ang galing ninyo bilang mga kabataang nabibilang sa 21st century, mga kabataang laki sa teknolohiya" sabi ng emcee

Lalim ng tagalog ah, pwede namang taglish (=__=)

"Okay simulan na natin 'to. Una ay ang mga rules and regulations. Una, bawal ang manghingi ng tulong o makipag-usap sa ibang estudyante. Pangalawa, kailangan niyong matapos sa loob lamang ng dalawang oras. At panghuli, kapag nakapagdesisyon na kayo kung ano ang magiging final niyong sagot ay isulat niyo ito sa isang bond paper at ipasa sa ating mga Marshalls dito sa harapan, sila ang kokolekta ng mga sagot ninyo" sabi ng emcee

"Mga sagot? Ibig bang sabihin nun marami tayong kailangang sagutan dito?" Tanong ko kay Kevin

"Siguro" tipid niyang sagot kaya binalik ko na lang ang atensyon ko sa emcee

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon