Chapter 37

477 22 6
                                    

Ms. Ice: Hi! Sensya na ngayon lang ulit naka-UD hehe...anyways, sana makabawi ako sa inyo, eto na ang KeAnne moment 😍😍😍

============================================================

*Dianne's POV*

Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko

"hmm..ano ba!" saway ko sa yumuyugyog sa balikat ko

"Aba't!" rinig kong reklamo niya pero di ko na lang pinansin at babalik na sana ng tulog kaso may biglang sumigaw sa may kanang tenga ko

"HOY!!!!!!!!!"

"Ay kalabaw mo! Ano ba!" magka-halong inis at bwisit na sigaw ko rin kay Kevin na siyang sumigaw sa tenga ko

"Hahahaha" tawa ni Kevin

"Tinatawa-tawa mo diyan? Ikaw kaya sigawan ko sa tenga ha?" inis kong tanong sa kanya

"Hahaha epic ng reaction mo hahaha" si Kevin po yan, halos maihi na siya sa kakatawa

"Hahaha epic ng reaction mo hahaha" si Kevin po yan, halos maihi na siya sa kakatawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ewan ko sa'yo. Tabi nga" medyo bad trip ko pa ring sabi sa kanya at lumabas na ng kotse niya, napansin ko kasi kanina na nasa tapat na kami ng bahay nila. Papasok na sana ako ng bahay kaso naalala ko si Ivan.

"Ay, oo nga pala, Kevin. Nasan na pala si Ivan?" tanong ko sa kanya at biglang nag-seryoso naman ang mukha niya at nagkibit-balikat lang tapos nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay nila kaya sumunod na lang ako sa kanya. Pag-dating sa may sala eh naka-salubong namin si Tita Shirley kaso dire-diretso lang si Kevin at parang di nakita si Tita

"Huy, 'nak!" tawag sa kanya ni tita kaso wala pa rin siyang paki at diretso pa rin sa pag-lalakad niya hanggang sa maka-liko na siya sa isang pasilyo

"Uhm, tita pasensya na po" sabi ko kay tita Shirley at nag-beso sa kanya

"Hay yun talagang anak ko, hindi naman siya ganyan dati eh" sabi ni tita at nahalata ko sa kanyang mga mata ang lungkot

"Bakit po tita? Ano po bang nangyari?" tanong ko kay tita Shirley

"Ah hehe huwag na nating pag-usapan yun. Sige iha, mauna na muna ako ha? May kikitain pa kong kaibigan eh" sabi ni tita at nag-beso sakin tapos umalis na agad kaya naiwan akong naka-tayo mag-isa dito sa sala

"...hindi naman siya ganyan dati eh" naalala kong sbai ni tita Shirley

Bakit kaya? Ano bang nangyari before? Hmm...baka may ex si Kevin na nanakit sa kanya? Baka pinag-palit siya? Ganun kasi sa mga libro na nabasa ko eh. Hmm...hindi naman imposible yun.

"Oh 'nak, kelan ka pa naging estatwa?" napatingin ako sa nag-salita at si Papa lang pala

"Ay hello po Papa" bati ko kay papa at nag-beso sa kanya

"Ang lalim ng iniisip mo kanina 'nak ah. Lalaki ba yan?" tanong ni Papa ng may seryosong mukha

"Pano~" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag-react na agad si Papa

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon