Chapter 42

454 16 2
                                    

*Dianne's POV*

"But I'm sorry, I can't love you" sabi ni Kevin at di ko alam kung bakit pero ang sakit sa dibdib, yun bang parang pinipiga yung puso ko

"A-aha-ha-haha" awkward kong tawa

"Dianne~" may sasabihin pa sana siya kaso inunahan ko na siyang magsalita

"Haha ano ka ba Kevin okay lang yun...ano lang naman yun eh...crush ganun" sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang mga namumuong luha sa mga mata ko

Ang sakit teh, di pa nga ko nakaka-amin sa personal pero busted na kaagad

"U-uhm...p-pwede ko bang malaman kung bakit?" di ko napigilang itanong sa kanya

"Kasi~" sabi niya ulit na pinutol ko na naman

"Ay huwag na pala haha di mo na kailangan sabihin kasi di na naman kailangan pang sabihin eh" sabi ko na lang sa kanya at umiling na lang

"Dianne~" sabi ni Kevin pero di na naman niya natuloy dahil biglang nagbukas ang pinto at pumasok sila Joanna, Eryell at Beb

"Yhan! Okay ka lang?" si Joanna 'yan

"Yhan, sino may gawa nito? Nahuli na ba?" si Beb 'yan

"Yhan! Kamusta pakiramdam mo?" si Eryell naman 'yan

Pakiramdam ko? Di ko rin maintindihan eh, okay naman ako physically pero emotionally, hindi

"Yhan?" sabay-sabay nilang tatlong tanong pero nakatingin lang ako kay Kevin at napansin ko rin napatingin rin sila sa kay Kevin

"U-uhm...nakalimutan pala namin bumili ng pagkain, tara guys bili muna tayo" sabi ni Eryell

"Huh? Kailangan ba bumili tayo ng pagkain kapag bibisita?" tanong ni Jo na naka-kunot-noo pa

"Tara na Jo" sabi ni Beb habang tinutulak ng mahina si Joanna papunta sa pinto

"Eh teka akala ko ba~" di na natuloy ang sasabihin ni Joanna ng sabay na nag-sabi sila Eryell at Beb na

"Tara na! Bye yhan! Balik na lang kami mamaya"

Tumango lang ako sa kanila at tuluyan na ngang sumarado ang pinto

"Dianne~" di ko na rin muna ulit pinatapos si Kevin sa pagsalita

"Kung wala ka ng kailangan sabihin, pwede ka nang umalis, magpapahinga na muna ako" sabi ko sa kanya at pinilit ang sarili ko na ngumiti at yumuko na lang

"Actually meron pa kong kailangan sabihin sayo" sabi niya kaya napa-angat naman ang tingin ko sa kanya

"Ano yun?" tanong ko sa kay Kevin

"Aalis na pala ko" sabi niya na ikinagulat ko

"Ha? Aalis? Saan ka naman pupunta?" tanong ko sa kanya

"Babalik na ko ng America" sabi niya

"T-teka, bakit naman? Diba may mission ka pa dito?" sabi ko sa kanya

"Tapos na ang mission ko Dianne, wala ka na sa panganib kaya kailangan ko na bumalik ng America" sabi niya pero umiling lang ako

"Eh pano kung bumalik yung mga taong yun?" sabi ko sa kanya habang umiiling

"Don't worry, wala na naman yung nasa vault, sinira na lahat ng yun" sabi ni Kevin

"S-sigurado ka?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon