*Dianne's POV*
"The f*ck!?" Rinig kong sabi ni Kevin sa may likuran kaya napalingon naman ako sa kanya pero naka-tingin lang siya sa cellphone niya, may ka-text siguro panay kasi ang pindot sa cellphone eh kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa may harapan at nakitang naka-ngiti pa rin si Ivan
"And since baguhan ka pa lang dito Mr. Jung, I guess it's only proper if merong mag-to-tour sa'yo dito sa loob ng eskwelahan" Sabi ni sir Isaac at nilibot ang tingin sa loob ng classroom hanggang sa napahinto Yung tingin Niya sa may bandang likuran ko
Lagot ka Kevin, nahuli ka ni sir Isaac
"Mr. Delgado, it seems like you have a lot of free time, why don't you be our transferee's tour guide for today?" Tanong ni sir Isaac kay Kevin habang masamang nakatingin rito pero parang wala lang ito kay Kevin at nakuha pang sumagot sa kay sir
"No, thank you" casual na pag-kakasabi ni Kevin at nag-buklat lang ng notebook niya
"Ah hehe sir, bakit di na lang po si Dianne ang mag-tour sakin, since kilala ko Naman po siya" Sabi ni Ivan Kay sir Isaac kaya napatango na lang si sir at tumingin sakin
"Is that okay with you Ms. Wolfret?" Tanong ni sir at tumango naman ako bilang sagot
"Alright then. But for now, Mr. Jung, maupo ka na muna at ng makapag-simula na tayo sa klase" Sabi ni sir kaya naupo Naman si Ivan sa may left side, sa likod, yun na lang Kasi ang bakanteng upuan eh. Agad din namang nag-simula ang klase Kaya nakinig na muna ako.
Habang nag-ka-klase si sir Isaac ay naririnig ko rin ang bulungan nila Kevin at Glen sa may likuran namin kaya medyo nadidistract ako sa klase.
"So ano nang resulta nung pinagawa ko sayo?" Rinig kong bulong ni Kevin kay Glen
"Okay na yun tol, pero matanong nga kita, ba't kailangan mo pang ipa-imbistigahan yung Ivan?" Rinig ko ulit na bulong naman ni Glen
What? So pati si Ivan pina-imbistigahan ni Kevin? Bakit kaya?
"It's none of your business" bulong naman ni Kevin at natahimik na silang dalawa
Eh? Yun lang? Wala na bang karugtong?
"Uy! Yhan! Tara na" natauhan naman ako sa biglang pag-salita ni Eryell
"Ha?" Tanong ko sa kanya
"Ay bingi" Sabi ni Beb tapos natawa silang dalawa ni Jo
"Haha Sabi ko Tara na, tapos na Yung klase" Sabi ni Eryell at dun ko lang napansin na unti-unti na ngang umaalis ang mga classmates namin
"Ah okay" Sabi ko at inayos na Rin ang mga gamit ko at tumayo na
"Dianne" rinig kong may tumawag sakin Kaya napatingin naman ako dun at nakita si Ivan na naka-tayo malapit samin habang naka-ngiti kaya kumaway naman ako sa kanya
"May klase pa ba kayo?" Tanong ni Ivan samin
"Oo eh. English. Ikaw?" sagot ko sa kanya
"I see. Wala na akong klase eh, mamayang 1:30 pm pa" sagot naman ni Ivan
"Wow, Ang haba ng vacant mo" Sabi naman ni Beb sa kanya
"Haha oo nga eh. Kevin! Nandiyan ka pala" biglang Sabi ni Ivan habang naka-tingin sa may likuran ko kaya napalingon naman ako dun
"Dianne we need to go. We still have our next class" malamig na pag-kakasabi ni Kevin at nanuna ng mag-lakad
"Ah sige Ivan, una na kami ha? May klase pa kami eh" paalam ko kay Ivan at tumango na lang siya kaya nag-lakad na kami palabas ng classroom
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...