*Dianne's POV*
"Jo teka saan ka pupunta?" Tanong ko sa kay Jo na naglalakad palayo samin
"Hehe cr" sabi niya at lumakad na ulit kaya tumakbo naman ako papunta sa kanya at kumapit sa braso niya
"Oh? Iihi ka rin?" Tanong niya na tinanguan ko naman
Pagdating namin sa cr ay agad na naming ginawa ang dapat naming gawin at nagayos na rin ng itsura namin
"Jo? Anong meron sa inyo ni Glen?" Tanong ko sa kanya na nagpupulbos
"Eh? Wala naman, eh sa inyo ni Kevin? Anong ganap?" Tanong naman niya pabalik at naalala ko na naman ang nangyari kanina kaya agad uminit ang pisngi ko
"Oooohhh anong nangyari at namumula ka? Ha?" Tanong niya ng may mapanuksong tono
"Ha? W-wala namang nangyari" sagot ko sa kanya at nag suklay ng buhok
"Weh? Di nga?" Tanong niya ulit at sinundot-sundot ako sa tagiliran kaya naman napapaigtad ako ng konti
"Jo ano ba hahaha wala nga, may weird lang na nangyari kanina kaya ganun" sabi ko sa kanya at agad naman siyang nagtaka
"Anong klaseng weird?" Tanong niya
"Haaay alam mo ba yung feeling na bigla na lang nagslow motion yung paligid mo tapos yung puso mo ang bilis ng tibok?" Tanong ko sa kanya
"Ooh mukhang iba na 'yan Yhan ah? Hahaha" sabi niya
"Baka may gusto ka na kay Kevin" dagdag pa niya kaya agad akong napatingin sa kanya
"Hindi naman talaga imposible yun, gwapo naman kasi si Kevin tapos matalino yun nga lang minsan may menstruation yata at ang bipolar niya haha" sabi ni Jo habang naghahalungkat sa bag niya at kinuha ang perfume niya at nagspray ng konti sa leeg niya
May gusto? Dun sa lalaking may mens na yun? No way!
"Psh ewan ko sa'yo Jo. Tara na baka hinahanap na tayo ni Eryell dun" sabi ko sa kanya at nilagay na ang suklay ko sa bag at lumabas na kami ng cr. Pagbalik namin sa kung nasaan sila ni Eryell ay sila na lang ni Kevin at Glen ang naiwan
"O? Nasan na sila Eryell at Beb?" Tanong ni Jo
"Bumalik muna sa dorm nila may gagawin pa siguro" sabi ni Glen
"Ah okay. Tara Yhan laro na lang muna tayo" sabi ni Jo at hinila ako sa may roleta kaya kumuha ako ng 5 pesos tapos itinaya sa number 7, si Jo naman ay dun tumaya sa may number 2 at ng matapos ng tumaya ang lahat ay inikot na ni kuyang nagbabantay ang roleta.
"What are you doing?" Tanong ng isang lalaki sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya at si Kevin pala ang nag tanong
"Tumataya. Ikaw, hindi ka ba tataya? Kuu bilisan mo na dahil malapit ng matapos ang pagikot ng roleta" sabi ko sa kanya habang titig na titig kung saan titigil ang arrow ng roleta
Seven please... Seven... Sa seven ka huminto
"Nah. Ano bang premyo?" Tanong niya ulit
"Kapag yung arrow tumigil sa number na tinayaan mo, dodoble yung perang tinaya mo dun pero kapag hindi naman ay kukunin nila yung pera mo" sabi ko sa kanya at ng tumigil na ang roleta ay nadismaya ako kasi hindi tumigil sa number 7
"Waaah Yhan hahaha, nanalo ako hahaha" sigaw ni Jo sabay pakita ng sampung pisong napanalunan niya
"Hahaha congrats Jo" sabi ko na lang sa kanya at kumuha ng isa pang 5 pesos kaso wala na akong coins kaya hindi na ako tumaya pa at nanuod na lang kay Jo na naglalaro pa rin hanggang ngayon
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...