*Kevin's POV*
Mag-a-alas otso na ng gabi pero hindi pa rin nakakauwi si Dianne.
"Honey, nasaan na ang anak natin? Tumawag na ba sa'yo? Nag-text na ba?" narinig kong tanong ni tita Sarah, halata rin sa boses niya ang pag-aalala.
"Hindi pa hon eh" nag-aalalang sabi rin ni tito David
Sinubukan ko ulit tawagan si Dianne pero panay ring pa rin ng cellphone niya at di niya talaga 'to sinasagot.
"Kevin, ano? Sumagot na ba?" tanong sakin ni mom pero umiling lang ako bilang sagot
"Hon, ano nang gagawin natin? Nag-aalala na ko sa anak natin" naiiyak ng sabi ni tita sarah
"Tita, huwag po kayo mag-alala, gagawin ko po lahat para mahanap si Dianne, pangako po yan" seryosong sabi ko sa kanila tita at tumango lang sila
Muli kong tinawagan ang cellphone ni Dianne pero this time, hindi na talaga nag-ri-ring ang cellphone niya kaya naisipan kong pumunta na lang sa base at baka dun eh ma-locate ko pa siya, for sure may gps naman ang cellphone niya.
"Son where are you going?" tanong ni dad sakin pero di ko na siya pinansin at dali-dali na sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot na 'to papunta sa base.
Habang nag-mamaneho ay may natanggap akong tawag galing sa isang unknown number pero sinagot ko pa rin 'to, malakas ang kutob ko na may kinalaman 'to sa nangyayari ngayon kay Dianne
"Hello?" tanong ko sa tumawag
"Kevin Delgado" sabi ng tao sa kabilang linya, hindi ko masyadong kilala ang boses niya pero alam kong babae ang nagsasalita
"Who are you?" seryosong tanong ko sa kanya
"That doesn't matter, what matters now is this girl" sabi niya kaya napakunot-noo naman ako at maya-maya lang ay may narinig akong boses sa kabilang linya na sobrang pamilyar sakin
"Sino kayo!? Anong kailangan niyo sakin!? Tulong! Tul~hmm!!!" rinig kong sigaw ni Dianne
"Dianne!!! Damn you! What did you do to her!?" sigaw ko habang hawak-hawak ang cellphone at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho
"Pumunta ka sa address na ise-send ko sa'yo at huwag na huwag mong susubukang mag-sama ng kahit na sino lalong-lalo na ng mga pulis" sabi niya at pinutol na niya ang tawag. Di rin naman nag-tagal at nareceive ko na ang address, sa isang warehouse 'to, malapit lang sa SM
Binilisan ko ang pagmamaneho papunta dun sa binigay nilang address at ng makarating na ko ay agad na kong bumaba ng sasakyan, dala ko na rin ang baril ko na nakatago lang sa ilalim ng upuan sa passenger seat
Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng warehouse. Wala akong ibang nakikita dito kundi mga lumang kahoy, metal at mga sako ng mga bigas o semento, hindi ko masyadong maaninag kasi medyo madilim dito sa nilalakaran ko.
Habang nag-lalakad ako ay tinatalasan ko rin ang paningin ko, baka kasi nasa paligid lamang sila.
Nang lumiko ako sa may kanan ay hindi ko naiwasan ang pag-hampas sakin ng isang kahoy, hanggang sa naging sunod-sunod na ito at nawalan na ko ng malay.
Pero bago pa man ako tuluyang makapikit ay may naaninag akong isang pigura ng isang babae pero imposibleng siya yun...imposibleng kayang gawin ng gaya niya ang bagay na 'to.
*Glen's POV*
Bigla na lang lumabas ng bahay si Kevin ag susundan ko sana siya kaso may biglang tumawag sakin kaya agad ko itong sinagot
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...