Chapter 27

1.1K 66 16
                                    

Facebook Group Page: Ate Ice's Stories
=============

*Dianne's POV*

Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon basta ang alam ko lang ay nasa panganib ang buhay namin ng pamilya ko

"K-Kevin a-anong *bang* *gasp* nangyayari?" Nanginginig kong tanong kay Kevin na mabilis pa ring nagmamaneho

"I'll explain everything later *bang* f*ck!!!" Sagot ni Kevin

"M-Mommy okay lang po ba kayo diyan?" Tanong ko sa kanila Mommy at nilingon sila ni Papa

"Yes, anak, yumuko ka lang diyan. Kevin, iho, nasaan na ang kaibigan mo?" Tanong ni Papa sa kay Kevin

"Papunta na po yun" sagot ni Kevin sa kanya

Bang

Bang

Bang

Beep beep

Napatingin ako sa may bintana sa driver side at dun nakita ko si Glen na nakasakay ng motor at binaba naman ni Kevin ang bintana

"Okay na 'tol, pasensya na kung medyo nahuli" sabi ni Glen kaya nakahinga na ako ng mabuti at umayos na rin ng pagkaka-upo

"Salamat tol, Ikaw na ang bahalang maglinis dun" sabi ni Kevin at medyo binagalan na rin ang pagpapatakbo ng sasakyan at umalis na si Glen ewan ko lang kung saan papunta pero wala na akong pakialam dun ang importante ngayon ay ligtas na kami at walang nasaktan samin

"Anak? Okay ka lang?" Tanong ni Mommy sakin at tumango lang ako sa kanya bilang sagot

Maya-maya ay napuno kami ng katahimikan hanggang sa tumigil na ang sasakyan ni Kevin at lumabas na siya ng sasakyan kaya tinignan ko kung nasaan kami at nandito pala kami sa bahay nila kaya bumaba na rin kami nila Mommy at Papa at pumasok na sa loob ng bahay nila, yung mga gamit naman namin ay ang mga maid na raw ang bahala dun sabi ni Kevin

"Mare!" Sigaw ni tita Shirley ng makita kaming pumasok sa bahay nila

"Mare" mahinang tawag sa kanya ni Mommy at nagyakapan silang dalawa

"Iha, are you okay?" Tanong rin sakin ni tita Shirley at niyakap rin ako at tumango naman ako sa kanya bilang sagot

"Thank God your all safe, come, let's talk in the study room" sabi ni Tita Shirley at sumunod naman kami sa kanya. Pagkadating namin sa loob ng study room nila ay pinaupo niya kami sa may sofa at inabutan kami ni cha-cha ng tubig

"Salamat" nakangiti kong sabi sa kay cha-cha ng makuha ko ang baso ng tubig sa kanya at lumabas na ito ng study room

Lumipas ang ilang minuto na nbabalot lang kami ng katahimikan hanggang sa ako na mismo ang bumasag nito

"Ano po bang nangyayari? Bakit po may humahabol sa amin kanina?" Tanong ko sa kanila ng nakayuko lang at hawak-hawak ang basong wala ng lamang tubig

"Mafia" sagot ni tito Klein sakin

M-mafia? Pero...

"Pasensya na anak kung pati ikaw eh nadamay pa sa gulong to" sabi ni Papa

"A-ano pong ibig niyong sabihin? Alam niyo po ang tungkol dito?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot

"Pasensya na anak kung hindi namin sinabi sa'yo, ayaw lang namin na madamay ka pa, gusto lang namin ay mabuhay ka ng walang tinatakbuhan o tinataguan" sabi naman ni Mommy, so ibig pa lang sabihin alam nilang dalawa ang tungkol sa mafia

"Naiintindihan ko po, pero bakit po ba tayo nila hinahabol kanina?" Tanong ko ulit sa kanila

"Meron kasi silang pinaplano iha, at isa sa mga kailangan nila ay nasa kay Papa mo" sagot naman ni tita Shirley

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon