Chapter 29

864 48 13
                                    

*Kevin's POV*

Dahan-dahan ay minulat ko ang mga mata ko pero agad rin akong napapikit ng dahil sa sobrang silaw pero ng naka-adjust na ang mga mata ko ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin kong nasa ospital pala ako at nakahiga rito sa kama

*Snore*

Napalingon naman ako kaagad sa kung sinong humilik at natawa na lang sa itsura ni Dianne na nakatungo sa kama ko at nakanganga pa habang may tumutulong laway rito

Dahan-dahan akong umupo dahil medyo masakit pa rin ang katawan ko at para na rin hindi magising si Dianne. Hindi ko alam kung anong nangyari basta ang alam ko lang ay nakatitig na pala ako sa mukha niya. I've noticed that she has long eyelashes cute but pointy nose and thin lips.

But what really makes her impressive is her voice, the first time I heard her sing it was as if she's the music itself, ramdam na ramdam niya ang pagkanta and I guess she really love m~

"Kevin!!! Buti naman at gising ka na!" Sabi niya at agad akong sinunggaban ng yakap, ni hindi ko man lang namalayan na gising na pala siya

"Aray!" Reklamo ko ng masagi niya ang pasa ko sa may balikat banda at agad naman siyang bumitaw sa yakap

"Hala! Sorry sorry, sorry talaga, Hindi ko sinasadya at..Ay Teka tatawagin ko muna ang doctor" sabi niya at agad ng lumabas ng kwarto, muntik pa nga siyang madapa kaya natawa na lang ako. Maya-maya ay pumasok na ang doctor at ilang mga nurse at sinuri na ang lagay ko at sinabi rin naman nilang pwede na akong umuwi bukas

*Dianne's POV*

Buti naman at gising na si Kevin, nag-alala ako kasi dahil sakin nadamay pa siya at nabugbog pa tapos tinurukan pa pala siya ng drugs

Pagkatapos i-check ng mga doctor si Kevin ay nagpasalamat ako sa kanila at lumabas na rin naman sila

"Where's mom?" Tanong ni Kevin

"Ah umuwi muna sila, may kukunin lang daw" sagot ko sa tanong niya at naupo sa may upuan sa kanan ng kama niya

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya

"Okay na naman, masakit nga lang yung mga pasa kapag nagagalaw" sabi niya kaya napangiwi naman ako dun kasi naalala ko na kanina pala eh natamaan ko rin yung pasa niya sa balikat

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nabalot na kami ng katahimikan pero agad ko rin naman itong binasag

"S-salamat" sabi ko sa kanya at napayuko na lang

"Para saan?" Tanong naman niya

"Salamat kasi kung wala ka nung nakidnap tayo hindi ko alam kung ano nang nangyari sakin" sabi ko sa kanya ng nakayuko pa rin

"At sorry" pahabol kong sabi

"Para saan naman yung sorry?" Tanong niya

"Kasi dahil sakin nakidnap ka tapos nabugbog ka pa" sabi ko at mas napayuko na lang

"Dapat lang mag-sorry ka no tsaka may kapalit yung tulong ko sa'yo no" sabi niya kaya agad naman akong napaharap sa kanya ng naka-kunot ang noo

"Kapalit!?" Hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw

Eh baliw pala to eh! Hindi ko naman siya sinabihan na protektahan ako ah (>_<)

"Tsk! Wag ka ngang O.A!" Sigaw niya rin

"At ako pa ngayon ang o.a!?" Sigaw ko rin pabalik ng naka-taas ang kaliwang kilay

"Stop shouting!" Sigaw niya ng nakatakip ang mga kamay niya sa mga tenga niya

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon