After 5 years
*Dianne's POV*
*Time check: 8:00 pm*
"Grabe overtime na naman" bulong ko sa sarili ko habang nililigpit ang mga gamit ko. Kakatapos ko lang kasi sa pag-e-encode ng exact amount ng pera na na-deposit ngayong araw dito sa bangko na pinagtatrabahuhan ko.
"Dianne" tawag sakin ng isa kong ka-opisina
"Alliyah, bakit?" Tanong ko kay Alliyah na nakatayo sa may kabilang table
"Uuwi ka na ba? Pwede ba kong sumabay sa'yo pauwi?" Sabi niya
"Oo naman. Tapos ka na rin ba diyan?" Tanong ko sa kanya
"Oo, aayusin ko na lang 'tong gamit ko" sabi niya at inayos na agad ang mga gamit niya. Sinukbit ko naman ang shoulder bag ko at pumunta sa table niya para hintayin siya. Maya-maya ay natapos na rin naman siya at sabay na kaming lumabas ng office.
Nag-log out na rin kami sa time card at sabay na rin kaming lumabas ng building.
"Meron pa kaya tayong masasakyan nito?" Tanong ni Alliyah
"Meron pa naman siguro" sagot ko sa kanya at natahimik na kaming dalawa habang hinihintay yung red color sa stop light para makatawid na kami.
3
2
1
*Red light*Tumawid na kaming dalawa papunta sa loading and unloading area. Mula dito sa gitna ng kalsada ay kita na namin ang dami ng mga taong naghihintay ng masasakyan na jeep.
"Grabe ang daming tao" sabi ko kay Alliyah at tumango naman siya
"Oo nga eh, sana makasakay tayo agad" sabi niya naman
"Sana nga. Kung kailangan makipagsiksikan, nakikipagsiksikan talaga ko" sabi ko sa kanya at natawa na lang kaming dalawa
Nang makarating kami sa lugar kung saan naghihintay din ang ibang sasakay ay nagkwentuhan lang kami ni Alliyah about sa trabaho namin
"Grabe nakaka-stress ang araw na to" sabi ko
"Sinabi mo pa, ang dami masyado ng mga clients kanina" sabi niya
"Ay ayan na may jeep na" sabi niya kaya napalingon naman ako agad at napansin ang isang jeep na paparating. May mga sakay na rin itong pasahero pero kasya pa naman ang anim na tao.
"Tara" sabi ko kay Alliyah at nang huminto na ang jeep sa harapan namin ay nakipagsiksikan kaming dalawa ni Alliyah sa mga taong sasakay din kaso di na rin kami nakasakay kasi agad na napuno ang jeep.
"Sayang, sa susunod siguro makakasakay na tayo" sabi ni Alliyah at tumango na lang ako sa kanya
Naghintay na lang kami ulit hanggang sa nakatatlong jeep na siguro ang dumaan pero di pa rin kami nakakasakay, ang dami kasi talagang tao. 8:45 na di pa kami nakakauwi.
"Grabe haggard na haggard na ko di pa tayo nakakauwi" sabi ko sa kay Alliyah at natawa naman siya
"Ako nga rin eh" sabi niya rin at natawa na naman kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...