Chapter 32

579 28 5
                                    

*Dianne's POV*

Habang nandito sa mall ay nag-tititingin lang kami sa mga store dito, ewan ko kay Kevin kung anong gusto niyang bilhin

"Let's go" sabi niya kaya sumunod naman ako sa kanya

Ay oo nga pala, wala na si Chelsea may tumawag kanina sa cellphone niya eh tapos nag-madaling umalis tsaka hindi na rin hawak ni Kevin ang kamay ko kaya eto nasa likuran niya lang ako at sumusunod sa kanya

Nag-mumukha akong aso dito na nakabuntot lang sa master niya eh 😒

"Kevin ano ba talaga ang bibilhin mo? Kanina pa kasi tayo paikot-ikot dito sa mall eh" reklamo ko sa kanya

"Nothing" maikling sagot niya

"Eh? So ba't pa tayo pumunta dito kung wala ka naman palang bibilhin?" Medyo inis na sabi ko sa kanya

Nag-aksaya lang pala kami ng gas at oras dito haay

"I don't know" sagot niya

"Argh mababaliw ako pag eto lagi kong kasama eh" mahinang sabi ko

"What?" Tanong niya

"Wala, Wala" sagot ko naman sa kanya

Habang nag-iikot kami dito sa mall ay napansin kong panay ang tingin ng ibang tao samin

Uy ang gwapo niya no?

Oo nga

Rinig kong usapan ng dalawang babae na naka-uniform pa ng pang highschool

Naku, ang bata niyo pa nga eh

"You really won't stop huh" bulong ni Kevin na hindi ko naman narinig

"Ha? May sinabi ka?" Tanong ko sa kanya

"Nothing. Let's go" biglang sabi niya at agad nag-lakad kaya agad-agad naman akong sumunod sa kanya

"Kevin, teka lang...huy! Hintay!" Sigaw ko sa kanya kaso di niya ko narinig at ang mas malala pa ay nandito kami ngayon sa may food court at sobrang dami ng tao dito ngayon since oras na para sa hapunan

"Hala, nasan na yun?" Tanong ko sa sarili ko. Nawala na kasi si Kevin eh, ang bilis-bilis niya kasing mag-lakad kaya di ko na siya naabutan. Napa-buntong hininga na lang ako ng dahil sa nangyari

*shwsjwk* (huni po ng tiyan ni dianne)

"Waaah gutom na 'ko,kulang pa naman yung pera ko para makabili ng pag-kain dito, kainis na Kevin yun sabi niya kanina ililibre niya ko tapos ngayon iniwan naman ako dito, sana man lang naisip niya ring may kasama siya no? Bad trip yun ah" kausap ko sa sarili ko habang umu-upo sa isang bakanteng upuan dito sa may food court

Habang naka-upo ako dito ay sinusubukan ko ring tawagan si Kevin kaso busy naman yung cellphone niya kaya binaba ko na lang yung tawag

"Hi" napa-taas naman ang tingin ko sa lalaking umupo bigla sa upuan sa harap ko

"Eh? Di ba ikaw si Ivan?" Natanong ko na lang bigla

"Haha yeah, akala ko nakalimutan mo na ko" sabi niya at kinamot ang batok niya

May makati yata dun

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya

"May binili lang ako, eh ikaw?" Tanong niya rin

"Ah sinamahan ko yung kaibigan ko, may bibilhin daw siya eh kaso ngayon di ko na alam kung nasan na yun" sabi ko sa kanya

"Bakit naman?" Tanong niya ulit

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon