Chapter 6

818 29 2
                                    

  [Change of Heart]

Polaris' POV continues

Kasalukuyang umiinom ako ng mainit na gatas. Tanaw ko ang kalangitan mula rito sa verandah. Kumportable akong nakaupo habang okupado ang aking isipan sa pangyayari kahapon.

Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi ko. Nangungulila na kasi ako sa mga kapatid ko. Di ako sanay na di marinig ang ingay nila sa umaga. Nakakapanibago pala kapag humiwalay sa nakasanayan.

"Hey, morning"-Ax

Mabilis siyang nakanakaw ng halik sa pisngi ko. I blushed instantly. Kaagad kong sinipa ang kanyang binti. He reacted by chuckling. Kainis!

"You are not allowed to kiss me!"-Polaris

Nagkibit balikat siya at umupo sa aking tabi. Hindi pa siya nakuntento sa pang-aasar sa akin dahil walang pasabi niyang ininuman ang mug kong may lamang gatas. Napapadyak ako sa sobrang panggigigil.

"Ang kapal nga naman talaga ng mukha mo"-Polaris

He just laughed at me. Pinalo ko ng malakas ang braso niya.

"Can't my wife be a little gentle? Masakit ang ulo ko dahil sa hangover"-Herseus

Napairap ako sa boses niyang halatang nagpapaawa lang.

"Sorry pero hindi mo ko mapapaniwala sa drama mo. At linawin ko lang na di natin kargo ang isa't isa kaya sana huwag ka ulit mang-aabala"

"Hindi pa ba sapat ang halik kagabi bilang kabayaran sa pang-aabala ko sayo?"

Halos mamilog ang aking mga mata sa gulat. Last night's kiss flooded back in my mind. Namula ang magkabilang pisngi ko. Parang sumariwa sa akin ang lambot ng labi niya noong dumampi ito sa labi ko.

"Y-you remember?"

He grinned naughtily. Hinuhuli niya ang direksiyon ng mga mata ko pero pilit kong iniiwasan ang mga mata niya.

"Of course. You tasted like the sweetest strawberry, how can I forget?"

Lasa ka namang alak

Where did I get that thought? Nahawa na kaya ako kay Jovi na puro kalokohan ang nakasaksak sa isip? Hindi pwede ito! Magtino ka nga Polaris!

Mababaliw na yata ako. I should stop talking to myself. Nagpasya na akong umalis dahil ramdam kong naging isang daang beses ang pamumula ko. I hate how he can make me feel embarrassed. Napahinto lamang ako sa paghakbang palayo nang humirit siya.

"Sobra ka namang matampuhin, sugar. Saan ka ba pupunta?"

Huminto ako saglit.

"Maliligo."

Pasalamat siya at marunong akong sumagot ng maayos kahit naiinis ako sa kanya.

"Can I accompany you perhaps?"

At sa linyang yon naramdaman kong umakyat ang dugo ko sa buong mukha. To the max na ang ang pamumula ko. Buti, nakatalikod ako kaya hindi niya ito makikita. I never imagined that his voice could be seductive. No wonder, girls were head over heels to him.

Nagmadali akong kumuha ng unan sa silid at patakbong bumalik sa verandah. I aimed the pillow to his face. Mabilis ang reflex niya kaya nakailag. Ang kawawang unan naman nahulog sa baba. Napangiwi ako nang humagalpak siya ng tawa.

Pilit kong sinupil ang papabungad na ngiti sa labi ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Magaan sa pakiramdam ko ang mapatawa ang lalaking kasing tigas ng bato ang puso.

Oo na, gwapo siya pero halimaw pa rin siya para sa akin. Kung gayon isa siyang gwapong halimaw!

>>>>>>>

I watched the mailman went away. Dumako ang tingin ko sa ibinigay nitong invitation card. Pumanhik na ako papasok sa bahay. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng baso ng tubig. Uhaw na uhaw ako sa di malamang dahilan. Nanatili ang titig ko sa hawak na puting invitation card.

"Ano yan?" wika ni Herseus na halos magpatalon sa akin sa kinatatayuan ko.

Muntik ko pang mabitawan ang baso bunsod ng pagkagulat. He used the opportunity to snatch the invitation card from me.

Makasulpot naman ang halimaw na ito parang kabute!

"Sa susunod na gugulatin mo ko patay ka sa akin"

He ignored my warning and read the invitation card. I got curious so I went beside him. It was an engagement party invitation as I expected. Ang kaso, hindi ko kilala kung sino ang magkasintahang nag-imbita.

May maliit pang post-it na nakadikit.

PS, Hindi pwedeng hindi kayo dumalo. This means a lot to me. -Levy

Tiningnan ko si Herseus, hinihintay ko ang magiging reaksyon niya.

"Hindi tayo pupunta. We can't go around pretending we are in love when we are not."-Ax

Naglakad ako patungo sa lababo para ilapag muna ang basong hawak-hawak. Mariin kong pinikit ang aking mga mata hinahanda ang aking sarili. Bago ko ulit hinarap si Herseus ay idinilat ko na ang mga mata ko.

"Tama ka kaya naman pinag-isipan ko ng mabuti kagabi ang sunod na gagawin natin. I want us to file an annulment"

He responded suprisingly quick. I saw fear written in his eyes.

"No!"

Ikinabigla ko sa pagtataas ng boses niya. Nakaramdam din ako ng inis dahil hindi naman kami malayo sa isa't isa pero nagawa niya pang sumigaw. Wala talagang modo ang lalaking ito na sa kasamaang-palad ay asawa ko.

"I know it's a hard, long process but this is the only way. Huwag kang choosy. I'll try to get a lawyer to arrange our papers. Ano sa tingin mo?" pagpapaliwanag ko ng maigi.

Halata ang pagkunot ng noo niya.
"I said no! Huwag tayong magpadalos-dalos. Let's think this thoroughly"

Humakbang siya palapit. I became aware of his intimidating gaze. His eyes were focused on my lips. It's making me feel conscious. May dumi ba ko sa bibig?

"Seryoso ka? Ano pa bang dapat pag-isipan? Mag-file na agad tayo ng annulment para tapos ang usapan"

Medyo dumistansya ako sa kanya. Ang weird, parang nauubusan ako ng hangin dahil sa lapit namin sa isa't isa. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niyang nakatuon sa pagtitig sa akin.

"Ha? ... Uhm, give me at least a week. Ayaw kong biglain si grandma. She's traditional and ruining my marriage will send her straight to deathbed"

Ang papa ko rin. He's also traditional. He believes you only marry once unless your spouse dies. Tiyak na mahihirapan kaming ipaintindi sa kanya ang posibleng hiwalayan. Isa pa, ayoko namang maging dahilan ng pagkakaroon ng lola ni Herseus ng atake sa puso.

Tumango na ako bilang pagsang-ayon. Umaliwalas bigla ang mukha niya na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

"Saka dadalo tayo"

Nagpanting ang mga tenga ko sa narinig mula sa kanya. Nagtama ang mga mata namin. His eyes no longer flashed fear but mischief. He smirked. Ang pamosong expression niya bilang SCU's Ruthless King.

"Ano? You changed your mind?"

He lifted my chin gently giving me a reason to hold my breath. Hindi ko naman mautusan ang sariling gumalaw dahil nagkakagulo na ang sistema ko. He leaned closer. Ilang dangkal na lang tuloy ang layo namin sa isa't isa.

"We'll be there and that's final"

Then, he left. Nakahinga na ako ng matiwasay nang makitang nilisan na niya ang kusina. Kumalma na ang puso kong pasaway. Naiwan sa akin ang pagtataka. Anong nagpabago sa isip non?

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon