Chapter 59

449 9 0
                                    

[Goodbye, Memories]

Polaris' POV

I saw nothing but light.

My vision adjusted to the place and I could see the things around me. May nakakabit na dextrose sa aking kamay na hawak ni mama Mars. Sa bandang kaliwa ko ay mayroong sofa kung saan nakaupo si papa at lola Amanda.

"M-ma" nanghihinang bigkas ko.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at maagap na hinaplos ang aking pisngi.

"Rick, si Pola! Salamat sa Diyos, gising na siya!" naiiyak niyang tawag.

Lumapit si papa at Lola sa akin habang tinawag naman ni mama ang doktor.

Napabalikwas ako ng bangon. I suddenly panicked as I recalled the accident. Ang daming katanungan na gumugulo sa akin.

"Nasaan si Herseus? Si Tita Anna? Ano na ang kalagayan nila?" natatarantang tanong ko.

Lola Amanda held my shoulder with unshed tears.

"Ax is fine, hija. Isinugod din siya sa ospital pero nagpapagaling pa kaya wala siya rito. Si Elaiza naman ang nagbabantay kay Annabeth na kasalukuyang mabuti na ang kondisyon" mangiyak-ngiyak na pagsagot ni Lola.

I hugged her for no reason. Hindi ko matukoy pero pakiramdam ko kailangan niya ito.

"Papaano kami ng kambal? Hindi naman ganoon kaseryoso ang aksidente, diba?" nag-aalalang tanong ko ulit.

She caressed my hair gently that eased my worries.

"Ligtas ang kambal kaya wala kang dapat ipag-alala" Papa assured me.

Tuluyan na akong nakahinga ng maluwag ngunit hindi ko na inalis pa ang kamay ko sa aking tiyan.

"I want to see Herseus" mahinang usal ko.

Sandaling natigilan si papa at lola Amanda. Pwede naman sigurong makita ko na siya para mapanatag na talaga ng buo ang loob ko.

"Magpagaling ka muna, anak. Gayundin ang gagawin niya. For now, have some sleep" papa persuaded me.

I nod too tired to argue. Humiga na ako habang nahehele sa pabalik-balik na paghaplos ni Lola sa aking buhok. I hope that when I wake up later I will see him.


>>>>>>>


I was disturbed because of a very familiar voice. Isang kanta ang inaawit niya na hindi ko rin makakalimutan. Nagwala ang aking puso nang mapagtanto kung kaninong boses iyon.


Kung tayo ay matanda na

 Sana'y di tayo magbago

Kailan man nasaan ma'y

 Ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang

Ako'y hagkan at yakapin ooooooh

 Hanggang sa pagtanda natin


Bumangon ako sa hinihigaan ko. Labis akong nagtaka dahil wala naman siya sa harapan ko. Nanigas ako sa aking posisyon nang mapansin na tila ba humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.

"Magmadali ka" utos ng panibagong boses na halos nagbigay sa akin ng atake sa puso. Its Ela's voice. Sigurado ako!

Siya ang nakatayo ngayon sa paanan ko. Namumugto ang kanyang mga mata. She looks mad, lonely and grieving. Kinutuban na ako kaya mas tumindi ang aking kaba.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon