Chapter 42

442 12 0
                                    

[Jealous]

Polaris' POV

Tuwang-tuwa ako nang makita kong pumasok si Charles sa pinto ng bahay. Ang kyuuuuuuuuuuuut!

Para siyang nakatutuwang binata sa aking paningin. Abot sa tenga ang ngiting bungad ko sa kanila ni Neptune. Hindi ko napigilan na pisilin ang pisngi niya dala ng panggigigil. Alisto ngunit maingat naman akong hinila ni Herseus upang bumalik ako sa kanyang tabi.

"Herseus, her husband" pagpapakilala niya sa sarili kay Charles.

Nahuli ko naman ang palihim na pagngiti ni Neptune na kasunod na pumasok ni Charles.

"He knows, ano ba" maagap kong saway kay Herseus.

"Pinapaalala ko lang, just in case he forgets" makahulugan niyang depensa.

He even smirked and I was left puzzled.

"Magsimula na tayo sa baking lessons 101, sissy"

I nodded too excited to respond properly. Nilingon ko naman si Herseus na nanatili sa aking gilid.

"Bakit hindi ka pa umaalis?" nagtataka kong tanong.

"Kasi hindi naman talaga ako aalis. I will stay home with you today" he said with finality leaving no chance for me to object.

Wala akong kaalam-alam sa pakulo ni gwapong halimaw kaya pinili ko na lang itong balewalain. Saka, hindi naman siya nanggulo nang sabihin kong iwan kami ni Neptune sa kusina. Samantalang, si Charles andoon sa sala para hayaan kaming magkaibigan. I do not know if I would tell Herseus to entertain our guest, Charles or not. Para kasing hindi magandang ideya ang naisip ko.

Umalingawngaw ang halakhak ni sissy nang mapag-iwanan kami.

"Ba't ka tumatawa?"

"Sa lahat ng tao kasing pwede mong paglihian, si Charles pa talaga ang napili mo?"

"Masama ba?"

"Well, for Ax that is really a bad, bad news. Mas maliwanag sa sikat ng araw ang selos niya. He was being territorial to you a while ago "

Napaismid ako.

"Now he knows exactly what I feel when I see his ex. Pero seryosong usapan, wala naman siyang dapat ikabahala. Nangako akong mananatili sa tabi niya hanggang dulo"

Nameywang siya sa aking sinabi.

"Pareho lang kayo. He assured you before too yet ---"

"I let my fears control me" dugtong ko at pinantayan ang kanyang titig, "Kaya nga tumataya na ako ngayon gaano man kalaki ang kabayaran nito sa huli."

She flashed a sad smile and held my hand squeezing it gently.

"Sissy, patawarin mo ko sa inasal ko noong nakaraan"

Niyakap ko siya ng mahigpit bago sumagot.

"Naiintindihan ko. You only want to help me and for that, thank you. Gusto kong malaman mong higit pa sa sobra ang suportang natatanggap ko mula sayo kaya huwag mo na lang ipagpilitan iyon muli"

"I understand now. Yung pagmamahal na mayroon kayo ngayon ang hirap talikuran. Nakakainggit nga" her voice trailed off.

Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Ano bang problema?"

"One-sided.. l-love..."

After that, she sobbed and I could not do anything but to hug her. Hanggang yakap ko siya may napansin ako. She has bruises on her neck and all over her body. Her eyes were even tired and weary. Napuna ko na rin ang pangangayayat at pamumutla niya.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon