[Way to Her Heart]
Ax' POV
The race I had with Polaris' brothers was fun. Nagkarera kasi kami gamit ang sariling mga bisekleta. I was supposed to win but Nikey the youngest used dirty tactics. Ako na yung nangunguna pero pagdating ko malapit sa finish line andoon na siya. Yon pala dumaan siya sa shortcut.
Sinabon siya ng angal ng panganay na si Nike. Pumagitna naman si Niko at nagpaliwanag na legal ang pagkapanalo ng bunso nila.
The three turned to look at me to pass the final verdict. Pumanig ako kay Niko. I admit that Nikey's way to win was cunning but it's not considered as a violation to the game. We have only one rule stating that 'be the first to finish the race'. Therefore, the clever kid won.
Akala ko ay mag-aaway ang tatlo matapos ang laro pero parang hangin na pinaglagpas nila ang naging argumento.
Bilang pagtupad sa pinangako kong premyo, si Nikey ang nagpasya sa bibilhin naming snack. He happily requested ice cream. Binili ko naman kaagad.
While eating ice cream in cone, we stayed in the playground. We occupy the consecutive four swings. Tahimik lamang ako habang nakikinig sa pag-uusap nila.
I never had a chance to have a younger sibling. Nag-iisang anak lamang ako ng aking mga magulang. Nikey, Niko and Nike filled something inside of me. Pinaranas nila sa akin muli na maging kuya sa batang hindi ko kaano-kaano. The three reminded me of my bond with Andrew. Isang batang tinuring kong parang totoong kapatid. The same kid I failed to protect causing his sudden death.
This time with these kids, I won't fail them. Lalo na si Polaris, hindi ko siya bibiguin sa pagbibigay sa akin ng tiwala pagdating sa kaligtasan ng mga kapatid niya.
Polaris
The thought of her is driving me crazy, seriously. She appears to be by my side yet I cannot even reach her. Masyado siyang matigas. Everytime I come closer, she shuts me out.
"Nakatulala ka, buddy. Are you thinking of my sister?"-Nike
I helplessly sighed instead of entertaining his question. Napailing si Niko.
"Wala ba kayong magawang iba ni ate kundi problemahin ang isa't isa?"-Niko
Bumaling ang atensyon nilang tatlo sa akin, inaabangan ang sagot ko.
"We're okay"-Ax
Napakamot sa batok si Nike samantalang ngumisi si Nikey. On the other hand, Niko gave no reaction.
"Bud para tayong di magbayaw kung makakaila ka"-Nikey
"Bisto na namin kayo kaya balewala ang pagtatago mo nito sa amin"-Niko
"And we want to help you both. Mahal namin si ate kaya ayaw namin siyang nalulungkot"-Nike
I feel like I'm swallowed by conscience.
How far will my selfishness take me?
"Pero tutulong lang kami sa isang kondisyon"-Niko
Napatigil ako para hintayin ang iduudugtong niya.
"Don't break our sister's heart"-Nikey
The statement was a strong punch to my gut. It knock out the air from my lungs. Rumehistro sa aking diwa si Polaris na mayroong ngiti sa kanyang mga labi na umabot sa kumikislap niyang mga mata. I swear to never steal away the glee in her smiles neither the vivacity in her eyes.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasiGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.