[Mysteries & Confusions]
Polaris' POV
Maaga akong nagising kinaumagahan para bisitahin ang puntod ng yumaon kong ina. Bago ako umalis hiniram ko muna ang phone ng kasambahay. I dialed Herseus' number knowing that I memorized it but no one picked up the call. Nagpasya akong mag-iwan ng voicemail.
"Herseus..." napapikit ako hinahanap sa isipan kung ano ba ang dapat sabihin, "... pasensya ka na at kinailangan kong lumayo. Huwag kang mag-aalala kasi hindi ko naman pababayaan ang sarili ko at ang kambal. Pangako pansamantala lang ito, sana hayaan mo muna ako."
I ended the voicemail, hoping it would reach him as soon as possible.
Ibinalik ko na ang phone sa kasambahay upang makaalis na. Sumakay ako sa kabayo habang inaalalayan ito ng katiwala ni Tita. Nanginginig na ang aking mga kamay gayong hindi pa namin nararating ang rosevilla na nasa malayong parte ng lupain ng mga Fernandez.
Napapahid ako ng pawis sa noo gamit ang panyong dala. I am wearing loose long sleeve shirt for sunlight protection. Nakatali naman ang buhok ko at nakasuot ako ng strawhat.
Pinagmasdan ko ang kagandahang taglay ng lupain. Nakahilera ang mga puno ng mangga sa kaliwa, mga pinya naman sa kanan. Abala ang mga trabahador sa pag-aasikaso sa kanilang tinanim. Ayon kay Tita Annabeth, mga isang buwan na lang at aanihin na nila ang mga mangga.
Bunsod ng pagkawili ay di ko namalayang dumating na kami ni manong sa aming destinasyon. The Rosevilla was made for my mother's grave. Ngayon pa lang ako muling bibisita sa puntod niya. I was a little child back then when I last visited her grave. Kung bakit? Dahil ayoko ko. Deep down I was keeping grudges to her for leaving me. I never got a chance to know her. I only see her face in pictures.
Mas nabigyan ako ng rason na kamuhian siya dahil sa sumpang naipasa sa akin pero ngayon unti-unti ko na siyang naiintindihan. Kung naging mahirap sa akin tanggapin ang sumpa, mas mahirap sa kanya iyon ng daang beses. Napagtanto kong hindi niya kagustuhan ang sumpa kaya sa pagkakataong ito handa na akong dalawin siya.
Pinasadahan ko ito ng tingin. Ang munting gate nito ay ginapangan ng pulang rosas. Gayundin ang buong imprastraktura, napupuno ng pulang rosas. Sinusian ko ang kandado upang mabuksan ang pinto.
"Ako na lamang po ang papasok" pakiusap ko.
Tango ang sagot ni manong kaya naman tumuloy na ako. Unang napansin ko ang kalinisan sa loob. Katulad nang nasa labas, napupuno ito ng rosas. Sa gitna nakahimlay ang puntod ng aking ina.
Nais sana ni papa noon na sa lungsod siya ilibing upang di siya malayo sa amin at parati namin siyang madadalaw. Subali, magiging taliwas ito sa huling kahilingan ni mama na malibing sa lugar kung saan siya lumaki.
Sumagi sa aking isip si papa. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa sumpa. Pinili ng yumaon kong ina na itago sa kanya ang totoo. She was willing to risk her life because that's how great her love was. Tinangka ni Tita Annabeth na sabihin kay papa ang katotohanan pero ipinangako niya kay mama na hanggang kamatayan ay mananatiling lihim ito.
I sat beside her grave. The deja vu feeling makes me at ease. Hinimas ko ang parte kung saan naka-engrave ang kanyang pangalan.
Annerose F. Ubeza
Katabi ng kanyang pangalan ang litrato niya kung saan matamis siyang nakangiti. Sabi ni papa, namana ko kay mama ang galing sa pagpipinta. Her talent was remarkable. Sa katunayan, may big time career na naghihintay sa kanya ngunit dahil sa pag-ibig ay isinuko niya ito. I hated her for that but now I finally understand her. It was a tough choice.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.