[Expect the Unexpected]
Ax' POV
Before I always thought it would be better not to create happy memories because those moments also were the main reason I felt fathomless misery. Ngayon habang nakatayo ako ang gusto ko lang ay makalikha pa ng masasayang alaala kasama ang babaeng hinihintay kong dumating. Wala na akong pakialam kung sakaling gumuho ang mundo ko sa dulo. I will endure anything to keep our memories.
Dumaan ang mga minuto bago dumating ang kotseng naghatid kay Polaris. My heart gone wild when she got out of the car. Gumabay si Venus at Neptune sa kanyang paglalakad papunta sa akin dahil nga naka-blindfold siya. I stood smiling like an idiot looking at her.
Hinawakan ko agad ang pawisan niyang mga kamay pagkalapit nila. Inangat niya ang nakayuko niyang ulo kahit hindi niya ako makikita dahil nakatakip ang kanyang mga mata.
"Herseus" sambit niya kasabay nang pagsilay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Her smile completely rocked my world.
Ang corny ko na yata pakinggan. Sh*t!
"Can I date you for the rest of the day?" I politely asked.
She chuckled giving me inexplainable euphoria.
"Pag-iisipan ko muna... umm... ... hmmm, okay!"
I smirked at her naughtiness. I found her pregnancy changes amusing. She cries over little things which I find adorable, but I hate when she cries, though. And then, she has weird cravings from time to time.
"Maiwan na namin kayo. Make her happy" pahabol ni Neptune bago nila kami iwan.
"I will" nangangakong tugon ko.
Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko kaya nadama kong kinakabahan siya. I guess, I am not the only one nervous. I silently hope she won't be disappointed. Nag-aalala akong di niya magustuhan ang ihinanda ko.
The staff assisted us in riding the hot air balloon. Nang makasakay na kami ay pumwesto ako sa kanyang likuran. Hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa na parang doon kami kumukuha ng lakas. It started to went up.
"1... 2... 3..." bulong ko sa tenga niya habang dahan-dahan kong tinanggal ang takip sa kanyang mga mata.
"Beautiful" she breathlessly said while staring at the scenery as the hot air balloon takes us up. Sa halip na pagtuonan ang tanawin, sa kanya ako tumitig. Nililipad ng hangin ang iilang hibla ng buhok niya habang kumikinang sa saya ang mga mata niya. I am completely hook with her expressive brown eyes and every single thing about her.
"Yea" pagsang-ayon ko habang sa kanya nakatingin.
Niyakap ko siya mula sa likod habang naaaliw siya sa ganda ng kalangitan. Pasimple kong isinubsob ang aking ulo sa leeg niya. Samantalang, hinawakan niya ang mga kamay kong ipinulupot ko sa kanyang beywang. I felt home and I could not be more happier as close my eyes.
"God , I love this girl so much. I know I am not religious or a godfearing man. I pray seldom and rather loving others, I mistreated them. But please, let me be the key to end the curse. Let the good overrule the wicked" dasal ko sa utak.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.