Chapter 19

575 24 0
                                    

[When the Wife Meets her Husband's First Love]

Aquarius' POV

Habang papasok sa mansyong pagmamay-ari ng mga Xander, dinagsa ako ng daan-daang alaala. Ngayon na lamang ako muling nakapunta rito. Ang pakay ko ay dalawin ang matalik kong kaibigan na si Venus. Dalawang araw na siyang hindi pumapasok dahil sa lagnat.

She preferred home care than hospital facility so she insisted to stay here at the mansion. I check her condition every now and then but I was reluctant to see her personally. Hindi ko kasi maatim bumalik sa isang lugar kung saan ang dami naming alaalang nabuo ni Ax. Ito ang lugar kung saan kami unang nagkita. It is also the same place where we celebrated our first anniversary.

Napabuntong hininga ako. Ito na talaga ang huling beses na aapak ako sa tahanang ito. I no longer want to remember our good times. Kung matitiis ko lang na hindi personal na malaman ang kalagayan ni Venus ay wala na ako ngayon dito.

I stayed in the living room as to what the maid instructed. Umagaw sa aking atensyon ang mga nakahilerang larawan. I smiled seeing Venus and Ax childhood pictures. Kaagad nabura ang ang ngiti ko nang dumako ang aking mga mata sa isang partikular na larawan. It was a wedding picture of Ax and his wife. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

"Ma'am dumiretso na lamang po kayo sa kusina, andoon po si Señorita Venus" kuha ng babaeng katulong sa aking atensyon.

Umiling ako para umurong ang luha ko. Kahit galit na galit ako sa kanya, di nun mabubura ang mga masasaya naming pinagsaluhan. All those years I have spent with him got wasted. Nagmadali akong naglakad patungo sa kusina. Binalot ako ng pag-aalala at pagtataka.

What is she doing in the kitchen?

Dapat nagpapahinga siya sa mga oras na ito. Well, what do I expect?

This is the typical Venus who loves cooking. Kahit may sakit sinusunod pa rin ang kapritso niya. Akmang pagagalitan ko na siya bilang pagsalubong nang maiwan ang mga salita ko sa ere.

Andito nga siya pero kasama niya ang asawa ni Ax.

Venus is sitting on a stool. Polaris is busy following cooking directions from her. They seemed close laughing at a certain topic. Para silang matagal nang magkakilala.

Did I just interrupt their bonding as cousins-in-law?

I should have called Venus that I would pay a visit today rather than arriving here to surprise her. Iyan tuloy ako ang nasorprisa. I suddenly feel like the unwanted guest. Before I could even leave, Ven noticed my presence.

"Aquarius?" gulat niyang usal.

"H-hi" I awkwardly greeted.

Bumaling ang tingin ni Ven kay Polaris.

"Si Stephanie Aquarius Mae Gomez, Pola" she looked back at me, "Aquarius, si Pola" pagpapakilala niya sa aming dalawa.

Nagsalubong ang mga mata namin. I almost froze seeing the girl face to face. Our eyes both showed an intense emotion for a split-second. Sumikip bigla ang aking dibdib. Staring at her only reminds me of Ax.

I wonder of what kind of relationship they have.

Kapareho ba sa amin noon na puno ng bangayan, tampuhan, selosan at sari-saring isyu?

What endearment does he used to call her?

Kasi kung babalik ako sa nakaraan naririnig ko pa rin ang boses ni Ax na tinatawag ako.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon