Chapter 34

438 15 0
                                    

[Time to Give Up]

Neptune's POV

        Lumalantak ako ng pagkain sa cafeteria mag-isa habang binabasa ang reviewer na binigay ni prof. Nabitawan ko ito sa biglaang pagsulpot ni Jovi sa aking tabi. Papaulalanan ko na sana siya ng reklamo kung hindi lang pansin ang inis sa kanyang mukha. It was strange, Jovi rarely gets piss off.

"Oh ba't nakabusangot ka?"-Neptune

"Sumuko ka na ba sa kanya? Have you decided to move on?"-Jovi

Nagtaka ako dahil diretso kay Jet ang paksa. Saan ba papunta ang usapang ito?

"Ano ka ba? Solid baby labs ito!" mabilis kong tugon hindi pinapahalata na medyo kabado ako.

Lumilitaw ang halo-halong emosyon sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko. Lamig! Mas triple na ang kaba ko dahil sa kinikilos niya ngayon. Kengkoy kaya si Jovi, mala-clown ang datingan.

"Ano ba tinira mo? Naka-drugs ka ba?"

Hininaan ko ang boses. Party animal kasi si Jovi at game sa lahat ng gimik. Palaging mahigpit ko namang habilin na huwag titira ng weeds. Masama yon! Tigas ng ulo ng sissy ko!

Imbes na sumagot ay ibinalandra niya ang phone niya. Weirdo rin ang baklang ito! Kinuha ko ang phone at bumungad sa akin ang litrato nila Jet at Jupiter. Nakaakbay si Jet sa kanya habang nakahawak siya ng micropono. Kung titingnan mapagkakamalan silang magkasintahan sa ktv.

"Kalat na ito sa underground web ng campus. Nababahala ako na baka labasan ka nila ng pagkukumpara kay Jupiter kung sino ang mas bagay sa kanya. It will affect your reputation."

Hindi ko siya halos maintindihan kasi nakatutok ako sa phone. The next stolen shot was still the two of them. Nasa open field sila nakaupo at nag-uusap. Ayaw kong bigyan ng malisya pero silang dalawa lang ang andoon. Plus, lately hindi na nagpaparamdaman sa akin si Jet.

"Sigurado ka bang may chance pa? Ilang taon ka ng asa nang asa, Neptune. I dislike to say this but is he trying to just flirt with you?"

Kusang umagos ang luha sa mga mata ko sa ikatlong litratong nakita. In the picture, they were on a romantic dinner date. 

"Humanap ka na ng iba. Kung hindi siya para sayo, huwag mo na ipilit"

Do I have to ask Jet personally about this? Isn't it too obvious that they are dating or worse, in relationship?

Hindi ko yata kakayanin kung makuha ko ang kasagutan sa harap niya.

"Did you get my point?"

Ibinalik ko sa kanya ang phone bago pa ito ang mapagbuhusan ko ng frustrations. Nag-abang ang mga bisig ni sissy para yakapin ako na malugod kong tinanggap.

"Sissy huwag kang magagalit kay Jet ha? Wala siyang ginawang kasalanan, I was the only one who assumed."

"Gaga! Ipinagtanggol mo pa talaga"

Iyon ang masakit kasi umasa ako kaagad. Kasalanan ko kung bakit nasasaktan ako. Alam ko namang posibleng dumating ang araw na ito, hindi ko lang napaghandaan. Nabigo ako. Bigong-bigo. Mali ako. Maling-mali sa pag-aakalang pwedeng maging kami.

>>>>>>>

Naghahanap ako ng mga librong pwede pang-reference sa research ko nang mabatid ko ang papalapit na si Jet sa aking direksiyon. Sumariwa ang sugat sa puso kong masokista. Nagmadali akong lumabas sa silid-aklatan at nagpasyang mamaya na lamang tapusin ang dapat kong asikasuhin. Halos tumakbo na ako para makalayo kahit tinatawag niya ang pangalan ko.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon