[Parenthood]
1 month and 2 weeks passed
Polaris' POV continues
I faced the vanity mirror. Sinusuklayan ko ang sariling buhok habang naiisip ang mga pagbabago sa aking katawan. I was experiencing a lot of changes from physically down to emotionally. Madalas akong makaramdam ng pagod. Minsan nakaranas na ako ng leg cramps at back pain kahit hindi naman lagpas sa isang oras ang pagtayo at paglalakad ko. Nagiging antokin na ako sa nakalipas na mga araw. Ang pinakaiinisan ko sa lahat ay ang dumadalas kong mood swings na hindi ko magawang kontrolin."Tapos ka na ba dyan, sugar? We have to go" aya niya habang nakasandal siya sa pintuan at tinititigan ako.
Magkahawak kamay kaming lumbas ng bahay. As usual, he guided me inside the car. Maraming nangyari sa nakalipas na buwan.
Cuddling in bed every night became our routine. Nakasanayan ko rin na pinagtitimpla niya ako ng gatas tuwing umaga at bago kami matulog. He always keeps me in company when I do my daily light exercises. Parati siyang tutok sa kinakain ko. Nagkuha pa ng nutritionist ang halimaw para sa akin. Saka, gumagawa siya ng paraang naiisip niya para maging komportable ako lagi. We had already attended parenting classes twice.
Habang patagal nga nang patagal pa-oa siya nang pa-oa. Buntis ako, oo, pero wala akong malalang sakit.
Pero, dahil sa inaakto niya panatag akong iwan silang mag-aama. Although, I feel guilty somehow because I will be leaving him with the responsibility of raising our kids alone. I wish I could stay but I have nothing to worry, because I know Herseus will be the best dad!
Nahila muli ako sa reyalidad nang dumating na kami sa ospital. We headed to our ob-gyne's clinic. The nurse accommodated us right away.
Si Doktora Ocampo ang nagpakilala naming ob-gyne. Habang kinakausap niya kami ay sandali kong sinulyapan si Herseus. I am dying to tell him about what Aries told me. Nasa dulo na ng aking dila ang katotohanang kambal ang dinadala ko pero naisip kong mas magandang oras na malaman niya ito sa check-up namin ngayon. Gusto ko kasi siyang masorpresa.
Not too long, I had my ultrasound. Parehong nakatutok kami sa monitor upang makita ang aming kambal na supling. Hinawakan ni Herseus ang pawisan kong kamay. I smiled, unconsciously. Fetus pa ang mga baby namin, siguro 3-inch long.
"Mr. and Mrs. Xander congratulations, you are having a twin babies!" Misis Ocampo exclaimed. Tila ba natangay rin siya sa sayang nararamdaman naming mag-asawa.
Sabay kaming napangiti nang marinig ang heartbeat nilang nagmumula sa doptone. Gusto kong maiyak sa tuwa. I love hearing their hearbeat.
What a beautiful melody.
Tinapunan ko ng tingin si Herseus. Punong-puno ng ligaya ang mga mata niya. Nangingilid pa nga ang mga luha mula dito. I squeezed his hand. He looked to me.
"They are our bliss" he whispered lovingly.
Naiiyak akong sumang-ayon.
Matapos ang check-up ay di matago ang sigla ni Herseus. Napatalon pa siya sa tuwa na parang timang kung titigan. Tapos, tila siya isang sirang plaka na paulit-ulit na sinasabing 'yes, kambal!' I cannot help but laugh at him.
Dumiretso kami sa paaralan ng mga kapatid ko upang sunduin sila. Nagkasundo ang magtotropa na pumunta kami sa mall. Hinimas-himas ko ang aking sinapupunan habang hinahayaan ko silang tumingin-tingin ng mga gamit para sa kambal. Now, I feel both physically and emotionally connected to them.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.