[The Mastermind]
Polaris' POV continues
Nanginginig ang buong katawan ko. Sa namamayaning katahimikan naghari ang tibok ng puso ko sa aking pandinig. Hinimas-himas ko ang aking tiyan para kahit papaano maibsan ang kaba sa dibdib ko. Gusto kong kumilos pero napako yata ako sa aking kinatatayuan.
Could Aries speak up to let me know she is still here?
Baka naman kailangan ko ulit tawagin si Cassandra. Nag-ipon ako ng tapang ng loob. Humugot ako ng malalim na hininga.
"Cassandra tina-----" hindi ko natapos ang dapat kong sabihin nang biglang napalitan ang katahimikan ng ingay. I could hear things shattering. Napaupo ako dahil sa naramdamang pangamba para sa kambal na pinagbubuntis ko.
Napadaing ako nang masugatan ang braso ko ng bubog na likha ng nangyari. Hinawakan ko ang sugatang parte ng aking braso para tumigil ang pag-agos ng dugo. Natatakpan pa rin ang paligid ng usok kaya hindi ko matukoy kung ano na ang ayos ng bahay.
Nawala ang usok na parang bula. Unti-unti kong naaninag ang ayos ng paligid. Nagkalat ang mga bubog na mga kagamitang nabasag. Kulang ang salitang magulo para ilarawan ang kinahinatnan ng bahay.
Hinanap ng mga mata ko si Aries pero hindi ko siya makita. Nagtayuan ang aking balahibo sa batok nang umihip ang malamig na hangin. Niyakap ko ang sarili nang di ko maatim ang ginaw at pumikit ng mariin. Iniisip ko kung tama ba ang ginawa ko.
Napapitlag ako nang may tumapik sa aking balikat. Nag-angat ako ng paningin at bumungad sa akin si yaya Tessa. Inabutan niya ko ng baso ng tubig. Ewan ko sa sarili ko kung bakit kinuha ko ang baso mula sa kanya at ininom agad ito.
"Anong inuupo-upo mo dyan? Hindi ba't bastos ang hindi pagbati sa isang panauhin?"
Klaro ang ngisi sa kanyang labi. She was looking at me with eyes full of jive. She even brushed the strands of her hair lazily.
"Ano po?"
She laughed mockingly that made my heartbeat slow down.
"Hindi ko pa pala naipapakilala ang aking sarili. Ako si Cassandra, ang tapat na kaibigan ni Delfina"
Inabot niya ang kamay niya para makipagkamay pero hindi ko matanggap dahil di ko makuhang gumalaw. Gumana ba? Siya ba ito?
"Itrato mo ako ng maayos. Huwag mong tularan ang ninuno mo" She even pouted.
Sandaling nawalan ako ng boses. Nanuyo ang aking lalamunan. I blinked and she still stood right there.
"Bakit ba nag-aalinlangan ka, hija? Ako itong ginambala mo mula sa aking paghihimlay" may bahid ng pagtatampo ang boses niya.
She hummed and in a blink of an eye, I found us standing in the rooftop. What I witnessed is surreal and beyond reality. Mababaliw na ata ako.
Isang araw, isiniwalat sa akin ang sumpa ng pamilya Fernandez. Niyanig non lahat ng magaganda sa buhay ko. Naging pangit ang reyalidad. Kumapit ako ng husto sa mga pangarap ko. Pagkatapos, nagising ako isang umagang kasal sa lalaking gumulo sa puso at kaluluwa ko. We were both broken and found each other to complete the hollowness in us. Lakas namin ang isa't isa. Then, we are blessed with babies. We know it is complicated. It is bound to be tragic.
BINABASA MO ANG
Love Potion
خيال (فانتازيا)Gayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.