[The Abominable Curse]
Polaris' POV
Hinga, Pola
"Huminga ka ng malalim. Bawal kang magpatalo sa lungkot" paalala ko sa sarili.
Ngumiti ako pilit nilimot ang nangyaring bangayan sa pagitan namin ni Herseus. Isang oras ang lumipas nagpasya akong lisanin ang rooftop upang makausap siyang muli. I wanted to reconcile but it was too late because his car sped off as I have seen on the window. Pinigilan kong maluha dahil sa kinalabasan ng araw na ito sa amin.
Nagtungo ako sa kusina para maghanap ng pagkain sa ref. na magpapawi sa lungkot ko. Natakam ako nang makakita ng peanut kisses. Hindi ako nagdalawang isip na kunin at lantakan ito agad. Sa kalagitnaan ng siyesta ko ay nakaramdam ako ng uhaw. Kumuha ako ng pitcher sa ref. Nang humarap ako sa lababo, napadpad ako sa di pamilyar na lugar sa isang iglap. Malakas ang kutob kong dinala ulit ako sa isang alaala buhat sa nakaraan ng aking ninuno.
Bumungad sa aking paningin si Cassandra na nasa buwan na yata ng kanyang panganganak base na rin sa laki ng kanyang tiyan. Kumakain siya sa ibabaw ng mamahaling lamesa habang nakahanay sa sulok ang mga katulong niya. Her face is full of vitality completely different from the last time I saw her. Hinimas-himas niya ang tiyan. Nilapitan siya ng isang ginang na kahawig na kahawig niya.
"Anak kabuwanan mo na. Napupuno ang puso ko ng takot at galak" wika ng ginang na napagtanto kong nanay niya.
Buong pagmamahal niyang hinawakan ang kamay ni Cassandra. Nakita ko ang purong ligaya sa mga mata niya nang siya'y ngumiti tila naiiba sa nakita ko noon, kung saan parang namatay ang kabutihan sa kanyang puso.
"Ako rin, ina. Hindi na ko makapaghintay na makita ang prinsesa ng buhay ko." aniya.
"Ang tanging nagpapainit ng aking ulo ay kawalanghiyaan ni Peter. Ang talikuran ka niya ay isang kabastusan! Kung umakto siya ay parang mangmang" nagpupuyos sa galit na wika ng ginang.
"Huwag na natin siyang pag-usapan, ina. Pinaiinit lamang niya ang aking ulo. Sa tamang panahon ay dadating ang kabayaran ng kanilang pagtataksil" makahulugang sabi ni Cassandra.
Talaga palang iniwan siya ni Peter. Pinagpatuloy niya ang pag-uuna sa sariling kapakanan. Hindi niya man lang inisip na ang batang pinagbubuntis ni Cassandra ay anak niya rin.
Inibig kong lapitan siya pero bigla na lamang napadpad ako sa pangalawang beses sa isang bagong tagpuan. I was dazed. Para bang kalahati pa sa segundo ang pagpadpad ko dito na kahit ako ay hindi namalayan ito. Nakita ko si Cassandra na nakahimlay sa higaan na gawa sa matibay na kahoy. Bakas sa mukha niya ang matinding panghihina. Napagtanto kong katatapos niya lamang sa panganganak.
Pumasok sa loob ang kanyang ina na namumugto ang mga mata na tila kakagaling lamang sa pag-iyak. Sinugod niya ng yakap si Cassandra habang bakas sa kanyang mukha ang matinding pighati.
"Nasaan ang prinsesa ko?" pabulong na usisa ni Cassandra.
Hikbi ang kanyang naging sagot na naging dahilan para pilitin ni Cassandra na humarap sa ginang.
"Ina, nasaan siya?" nababahalang tanong niya ulit.
"Mahal ko, tanging kakarampot na minuto lang ang ibinigay sa kanya upang mabuhay. W-wala na ang a-apo k-ko" umiiyak at nanginginig na sagot ng ginang.
"Hindi! Hindi ako naniniwala sayo! Nagsisinungaling ka, ina! Malusog siya at malakas! Mabubuhay siya ng napakaraming taon, nasisiguro ko iyon!" naghihisterya niyang palahaw.
"Huminahon ka, pakiusap" awat ng ina niya sa kanya.
"Gusto ko siyang makita! Ilabas nyo ang anak ko!"
Nanigas ako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang paghihinagpis ni Cassandra.
"Pakiusap, tama na. Alam kong hindi madali ngunit kailangan nating tanggapin ang katotohanan kahit masakit ito"
Ang pagtanggap sa katotohanan kahit masakit ito, kakayanin ko rin kaya?
"Hindi totoo iyan! Bakit? Bakit ang daya-daya ng buhay? Siya ang tanging kaligayahan ko pero bakit siya kinuha sa akin? Bakit ba ko pinagkakaitan?"
Tumulo ang aking mga luha nang di ko napapansin. Nanlabo ang mga mata ko sa malayang pag-iyak. I slumped down on the floor while crying out loud. Naninikip ang dibdib ko sa sakit na umabot sa puntong hindi ako makahinga.
"I-i do n-not w-want to s-see i-i-it" I said between my sobs. Tumahimik ang paligid. Hindi ko na naririnig ang iyak at sigaw niya. Inalis ko ang mga kamay na tumatakip sa aking mukha.
Akala ko gagaan na ang pakiramdam ko sa pagbalik sa kasalukuyan pero mali ako. I found myself in a different place again. Nahagip ng mga mata ko si Cassandra na nakamasid sa isang bahay. She looks ruined; messed up hair, noticeable eyebags, chapped lips, thin frame and stooping low shoulders. She grown thinner than she was. I could see nothing but pure darkness in her aura.
Sinundan ko ng tingin ang bahay na pinagmamasdan niya. Sumalubong sa aking paningin ang masayang mag-asawa. The couple were on their little terrace. The husband is kissing his pregnant wife's belly. It seemed like they are talking to the baby inside the woman's womb.
Nabibiyak ang aking pusong nakikisimpatiya sa kanya dahil ang mag-asawa ay si Peter at Delfina. Tumakbo siya sa malayong-malayo nang hindi niya maatim ang nakita. Hanggang nasaksihan ko ang isang bagay na humadlang sa angkan kong makuha ang ganap na ligaya. Nasasaksihan ko kung paano siya balutin ng poot. Nasasaksihan ko ang sumpang kahit kailan hindi natakasan ng aking angkan.
She casted a spell. Her wrath intensified because of losing her most beloved angel, her child.
She spoke a language I could not determine. It was like Latin but I was not really sure if it was. Nagliyab ang nagbabagang apoy sa tubig. How can that be even possible?
"Buhay para sa buhay. Magpakailanman ay madadanas ng angkan mo Delfina Fernandez ang walang habas na kamatayan. Kahit minsan hindi ninyo mararanasang makapiling ang sariling supling. Hindi mababali ang sumpa hanggang hindi maiiwasan ng anak ko ang kamatayan na umagaw sa kanyang buhay"
She let the fire burned the corpse of her baby. Pagkatapos, parang bulang nawala ang apoy sa tubig, kasabay nang pagbalik ko sa kasalukuyan.
Paanong hindi mababali ang sumpa? Kung hindi ako nagkakamali, I am the last sacrifice because I represent the 13th generation. However, she cannot be mistaken either. She was the person who casted the spell and the only person who could give a conditon to break it.
Paano nangyari ito? Hindi ako maaaring magkamali! Si Tita Annabeth at Lola Ade ang mismong nagsabi sa akin nun. Di kaya ito ang tinutukoy niya sa pag-alam ko ng katotohanan?
Naputol ang pagbuo ng marami pang katanungan sa isip ko nang tumunog ang telepono. It was Aries calling. She asked me to meet her outside so I hurried going out. Nabahala ang ilang kasambahay na lumabas ako, kailangan ko pang mangulit na tatawid lamang ako at utusang huwag na silang sumunod pa.
"Ma'am samahan ka na po namin baka mapagalitan ho kami ni Ser" nag-aalalang pahabol ng katulong na huli na para pigilan pa ako.
Namataan ko si Aries sa kabilang kalsada sa harap ng bahay. I crossed the street to go to her while the hired maids were looking out for me. Gusto kong malaman kung saan na umabot ang kanyang pag-iimbestiga.
Tumayo siya ng tuwid nang makita akong papalapit. Hawak-hawak niya ang isang brown envelope na agad niyang inabot sa akin.
"I don't have much time for this. Pasensya na at ngayon ko lang naibigay ang findings ko. Hindi na ko makagalaw ng maayos sa paghahanap dahil nagsisimula nang maghinala si papa. I'm afraid I have to lie low for a while" hinging paumanhin niya.
"Nauunawaan ko. Salamat dito" I expressed my gratitude.
"Asahan mong tutulong ako sa abot ng aking makakaya. I just need to quit for the meantime" pagpapaliwanag niya.
Binuksan ko ang bigay niyang envelope. Sadyang nagulat ako sa nakitang listahan ng suspects. Lander? Franco? Jupiter? Nebula? Sino kaya sa kanila? Anong motibo nila?
Napagdesisyunan ko na sundin ang pinapaabot na mensahe ni Cassandra, ang hanapin ang katotohanan. I am ready to connect to her to find the truth or whatever I ought to know.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.