[PANGUNGULILA]
Neptune's POV
(Back to the time when Ax was about to get stabbed)
Akmang hahampasin na siya ni Ax ng kahoy sa ulo na tiyak na maghahatol ng kamatayan niya nang sumigaw ako,
"Ax, huwag! Si Jet pa rin yan!"
Natigilan si Ax na nagbigay ng pagkakataon kay Pako na baguhin ang kanyang tadhana. Dumukot siya ng punyal para isasaksak ito kay Ax.
"Hindi!" I shrieked, horrified.
Gulat akong nakamasid sa sumunod na nangyari.
Bumulagta si Pako. Naasinta siya ng isang palaso na naglaho sa isang kisapmata. Walang dugong dumanak ngunit nawalan siya ng malay. Sa isang iglap, ibang katauhan ang nakita ko sa kanya. Bumalik si Jet sa paningin ko.
Si Lander ang bumungad sa aking may hawak ng palaso. Mabilis siyang lumapit sa akin.
"Ligtas ka na" he softly assured me.
"Mabuti pang dalhin ka na namin sa ospital" suhestiyon ni Ax na nasa likod na pala ni Lan.
"Ayoko" mariin kong tutol.
"Neptune, kailangan magamot ang mga sugat mo. Isa pa, mukhang hinang-hina ka na" katuwiran ni Lan.
"Gusto ko makitang magwakas na ito... at gusto kong masigurong ligtas si Jet." pagpupumilit ko.
Sa kauna-unahang pagkakataon nasaksihan ko ang ibang katauhan ni Lan. Tahimik akong nagmasid sa mga ginawa nila ni Ax. They burned the only picture of Pako and I together. Ito raw ang dahilan kaya nakakapit sa akin ang kaluluwa niya.
Then, they placed a dead animal creature on top of the symbols Lan wrote on the ground. Marami siyang binigkas sa kakaibang lengguwahe habang kaharap ang patay na hayop. Hindi ko alam kung papaano ngunit nasaksihan ng mga mata ko ang pag-iiba nito ng anyo. It was an imitation of Ax' whole being.
Ilang minuto rin nagpalipat-lipat ang tingin ko sa nakahandusay na katawan at sa tunay na Ax. It was horrifying but it was real.
The process was a lot to take in as to how Jet woke up being him not Pako.
"Hindi na ba makakabalik si Pako ... kahit kailan?" naninigurong tanong ko.
"His fate has been determined today. Nothing will connect him again to any things nor people. The dummy body ends the chase" he said seemingly sure.
"Jet will be safe and the rest?" I worriedly asked.
"Yes, including you. He can never haunt you again"
Nakita ko ang kalituhan na bumakas sa mga mata ni Jet. But he did not asked yet, especially when this has to end first before anything else. He locked me in his arms that made me feel safe.
Just in time, Ela and Pola came.
"Tapos na.." wika ko sa paos na boses.
Nagsimulang masunog ang katawan... Dito na nagtatapos, Pako. Seeing you dead for the second time around wasn't comforting. Sa kabila ng kasamaan mo, there was a little part of who loves you as a friend. For the last time, puno man ako ng hinanakit sayo, gusto kong sabihing paalam, kaibigan.
Naghintay kaming gawing abo ng apoy ang katawan niya. Nagngitian kami ni Polaris. Both of us, our lives were tainted with mysteries. It beaten us up inside. Now Pako is gone, surely gone, I know the wounds would start healing.
Nagtaka ako nang pinigilan ni Ela ang tangkang paglapit ni sissy sa akin. Tila nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga tingin. Saglit akong tinapunan ng sulyap ni Pola bago ako hinarap ni Ela.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.