Chapter 51

410 10 0
                                    

[One Last Sacrifice]

Polaris' POV

Natatarantang bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng bahay. Nahanap ko si mama Mars sa loob ng kusina.

"Nasaan si Herseus?" mariin kong tanong napupuno ng pagkamuhi sa kanya at kay papa.

Wala na akong pake kung naistorbo ko ang pag-uusap nila ng babaeng napagtanto kong si Nebula. Naikuyom ko ang aking kamao dahil alam kong kasabwat siya nila mama.

"Paano mo---" gulat na usisa ni mama na hindi ko na pinatapos pa.

"Nasaan si Herseus?" pag-uulit ko.

Ni labag sa kalooban kong bastusin siya. I looked up to her like my own mom.

Naudlot ako sa pagtatangkang pagsasalita nang sumabat si Ela.

"Tumigil ka nga! Wala ka sa lugar para umasta na parang kung sino!"

Kumulo ang dugo ko sa pagtataray niya. Gusto ko na siyang sabunutan para malaman niya kung gaano siya kaengrata.

"Makakaalis ka na! Tutal hindi ka naman kasali sa usapan" hindi ako sanay sa pagtaas ng tono ng boses ko pero nalamon na ko ng galit.

"Tang*na mong babae ka! Boba ka ba? Ano bang pinanghahawakan mo? Isang malaking kalokohan na nabuhay muli ang anak ni Cassandra?" panghahamak niya.

Dinuro niya ako gamit ang kanyang daliri. Hindi ako nagpaawat at humakbang ako para lumapit sa kanya. Nagsukatan kami ng tingin.

"Susuko na ko kapag napatunayan mong kalokohan nga ang sinasabi ko. Tulungan mo kong mailigtas ang anak niya at sa puntong mauwi sa wala ang paghahanap natin, ipapaubaya ko ang pagdedesisyon sa inyo" paglalatag ko sa aking kondisyon.

Labag na labag sa kalooban kong makipagtulungan sa kanila ngunit wala na akong pagpipilian. Gusto ko lang matapos na ito.

"Pumapayag ako" diretsang tugon niya.

Aaminin kong nakakaramdam ako ng takot sa posibilidad na ako ang mali. Hindi ko makakayanang isuko ang kambal. Itinatatak ko na lang sa isip ko ang mga sinabi ni Cassandra, ibibigay ko ang buong tiwala ko sa kanya. Hindi ito papalya.

"NEBULA!" Bulalas ni mama Mars na halatang tutol sa nangyaring kasunduan.

"Pabayaan mo kami, Tita. Hayaan mong maisampal ko sa kanya ang katotohanan" determinadong sabi ni Nebula na mas nagtulak sa akin para panindigan ang aking pasya.

>>>>>>>

Kasama siya ay umalis kami papunta sa Maligaya. Hindi ko hinayaang sumama pa si mama Mars. Hindi ko pa matanggap na isa siya sa nagsinungaling sa akin. Ni hindi ko nga alam kung paano pa pakikisamahan si Tita Annabeth nang dumating kami.

Nasabihan na yata siya ni mama Mars kaya't hindi na niya ko magawang titigan sa mga mata.

Ang hirap lang talagang tanggapin. Hindi lang isa ang nagsinungaling sa akin, halos silang lahat na malapit sa puso ko. Para nila akong sinaksak sabay-sabay patalikod.

Naghalungkat kami ni Ela sa attic ng bahay. Nagbabaka sakali akong makakakuha ako ng impormasyon na makapagbibigay ng direksiyon sa misteryo. Saka, ito ang habilin ni Cassandra. Dapat nasa Maligaya kami upang lumakas ang presensya niya.

Habang nasa sulok ako kung saan katapat ko ang bintana ay tumingala ako upang masulyapan ang labas. Nakita ko ang pagsayaw sa saliw ng hangin ang dahon ng mga puno. Nakaramdam ako ng kakaibang lamig.

"Hawakan mo ang palad niya upang makita mo ang nakaraang ibinaon nila sa limot" bulong sa akin ng boses ni Cassandra.

Napapitlag ako nang magsalita si Ela.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon