[Married Life 1.1]
Polaris' POV
Nakatulalang pinagmasdan ko ang sarili sa human-size mirror. My face is still recognizable but looks so different compared from before. Hindi naman sobra ang inilagay sa aking make-up. Kung tutuusin, sakto lang iyon kaya bakit ang laki ng di ko inaakalang resulta?
Bumaba na ang mga mata ko sa sariling kasuotan. I am wearing halter white chiffon, ivory lace beads evening gown for the engagement party. This was the party Levy persuaded us to attend.
"Ready, sugar?" Herseus called from the door following a knock after.
I took a deep breath. Di ko maiwasang kabahan sa hindi matukoy na rason. Nararamdaman ko ba ito dahil sa lalaking kumatok sa pintuan o sa pagtitipon na dadaluhan?
Namamawis ang kamay na binuksan ko ang pinto. Si Herseus kaagad ang unang bumungad sa paningin ko. He was wearing a black chandler tuxedo. I must admit, he's drop-dead gorgeous!
My heart constricted for a little. Malinaw ko na kasing nakikita ang agwat ng mga buhay namin. Sinasampal na sa akin kung gaano siya kalayo sa isang tulad ko. Am I even good enough to be his wife?
"You look stunning" he said getting me caught off guard.
Naunang nagbigay ng reaksyon ang mga pisngi ko, namula ito ng todo. All the negative thoughts vanished. Ang tanging tumatak sa akin ay ang papuring natanggap.
"Salamat... tara na" pag-iiba ko agad.
He chuckled with my diversion. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. I was electrified when our hands got into direct contact. Babawiin ko na nga sana pero hinigpitan niya lamang ang hawak sa akin. Wala akong enerhiyang umangal kaya hinayaan ko na.
In almost one hour we arrived to the said venue. The engagement party was for the couple, Janice and Rupert. Ayon kay Jovi, si Janice ay kapatid ni Levy. Si Rupert naman ang fiancé nito.
Pinagbuksan at inalalayan ako ni Herseus sa paglabas sa kanyang Aston Martin. I felt cold breeze as I stepped outside. Nanigas ang katawan ko nang malibot ng aking mga mata ang parking lot. Ang mga katabi ng kotse namin ay porsche, Ford mustang, Zenvo ST1, BMW, Ultimate Aero, Lamborghini at iba pang mamahaling kotse.
The fact that I am meeting the Elite class scares me so much. Nagpawis na naman ang mga kamay ko. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataong dadalo ako sa pagtitipon ng mga elitista.
"Shall we, sugar?"-Ax
I clung at his willing arm. I smiled meekly. Malapit na kami sa mansion nang tumigil siya sa paglalakad. Nagtatanong ang aking mga mata sa kanyang paghinto. Walang pasabing hinawakan niya ang malamig kong kamay. I felt every inch of me ignited. Nakakailang at nakapaninibago. Tumitig siya sa akin ng diretso.
"Relax, I'll be your lead"
Medyo kumalma ang puso ko.
"Kinakabahan ako... hindi ko m-maalis"
He chuckled a bit. Naging dahilan ito para bawiin ko ang sariling kamay. Sumama ang loob ko, para kasing natutuwa siyang nilalamon ako ng nerbiyos. Naiwan sa ere ang sasabihin ko sana nang dumampi ang malambot niyang mga labi sa aking noo. Kusang pumikit ang mga mata ko. His kiss was very gentle that I thought it would melt me. When I opened my eyes, I realized I was gripping his arm tightly. Bumitaw ako kaya't ibinalik niya ang pagkakahawak nito sa kanyang braso.
Then, we entered the entrance together. Sumentro sa amin ang liwanag ng spotlight. The cameras everywhere clicked and flashed. Tumuon ang atensyon ng madla sa pagdating namin.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.