Chapter 40

583 15 3
                                    

[How to Love]

Polaris' POV

Nang magising ako unang kumuha sa atensyon ko ang braso niyang nakayakap sa akin. Kumportable ako sa posisyon namin kaya nagpasya akong hindi muna bumangon. I just need a few minutes of extension to cherish the moment. No one else makes me feel this guarded and secured except him, my gwapong halimaw.

Nakatalikod man ako sa kanya ramdam na ramdam ko naman ang bawat paghinga niya. Nakasubsob kasi ang ulo niya sa aking  buhok. I felt electrified yet I do not want to stay away. Kabado lamang ako dahil
nagwawala na ang puso ko.

I mentally scold myself. Lumalayo na dapat ako gayundin si Herseus. Sa pagkakatanda ko mag-isa akong nakahiga sa kama kagabi. Bakit ngayong paggising ko andito na siya?

Babangon na sana ako pero humigpit ang pagkakayakap niya sa beywang ko. Mas isiniksik niya ang sarili sa akin. Now, I am tensed.

"Sugar, sorry. Sorry if I yelled back. Sorry kung marami akong masasakit na salita na nasabi. Sorry if I was not more patient. Sorry kung pinalipas ko pa ang isang araw na di tayo nagbabati" sunod-sunod niyang sabi kaya humarap na ako para patigilin siya.

"It's okay" I softly cut in, "Not a single argument can break us"

I kissed his cheek to ease his worries before getting up. Dumoble ang kaba ko nang tumayo rin siya. Aalis na sana ako sa silid para iwasan siya ngunit mas naging mabilis siyang kumilos. Niyakap niya ulit ako mula sa likod. I felt his nervous breathing against my back. It made my heart pound so hard.

Why does his presence affects me so bad?

"Ikaw na mismo ang bumabali sa sinabi mo. You are letting the curse break us apart"

Napapikit ako habang nagbabadya ang mga luhang nagbabalak kumawala.

"When you insisted about Elaiza yesterday and told me about how you see it as a good choice to set me up with Aquarius, I felt betrayed. Para mo kong sinaksak sa malaking sugat sa akin na hindi pa naghihilom. Gusto na rin kitang kamuhian pero hindi ko magawa. Alam mo kung bakit?"

Pinaharap niya ako sa kanya pero yumuko ako dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Tinamaan ako ng guilt sa mga saloobin ni Herseus. Nangako ako sa sariling tutulongan ko siyang maghilom pero hindi ko napansin na ako mismo ang nagpapalala sa mga sugat sa puso niya.

"Because I l-love y-you" his voice broke.

Napaangat ang aking ulo sa kanyang biglaang pag-amin. Nagtama ang aming mga mata at nakita ko kung gaano katindi ang intensidad ng sa kanya. Sincerity in his soulful gray eyes cannot be questioned either. Napaatras ako habang binabayo ng todo ang puso ko.

"No, no..." di makapaniwalang usal ko.

The way he looks at me, I feel precious. Jusko dong tama na! Halimaw ka, huwag kang paasa!

"I love you with no lies, no hidden motives" ulit niya kasabay nang paghawak niya sa aking mga kamay.

Napamaang ako nang bumulalas sa bibig niya yon. It was also the first time I see him very nervous which makes his confession so real. Halo-halo naman ang nararamdaman kong emosyon, may tuwa, lungkot, pangamba at relief. I am perfectly stuck in his trap.

"Hindi iyan totoo!" pagkakaila ko.

Isang panaginip ba ito kaya ganyan siya magsalita? Hindi pa nga ako umaahon sa kumplikadong pag-ibig na'to, tapos mahuhulog ulit ako.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon