Chapter 21

544 19 0
                                    

[Love takes risk]

Polaris' POV

Napapikit ako nang tumama sa aking mukha ang sinag ng haring araw. It eased my feeling of nausea. Dagdag pasanin pa sa akin ang pagkahilong nadarama.

"Remember the day we woke up in one bed? Na first time sa buhay ko nahaluan ng kababalaghan, isang di matukoy at walang explanasyon na pangyayari. That day I was never told that it was a blessing in disguise because I met you. I met an angel who pulled me out from misery." mga katagang sumariwa ulit sa isip ko.

I was not able to respond after he said that because a call interrupted us. Kay lola Amanda galing ang tawag. Pinapauwi na niya kami dahil nagpaiwan pala siya sa bahay habang naunang umalis si Mrs. Elaiza at Venus.

Last night I freed my hatred while he opened up to me. Di ako makapaniwala na iyon ang mangyayari. Buong akala ko magiging maayos ang takbo ng hapunan pero mas lumaki pa yata ang hidwaan ni Herseus at ng kanyang ina. Pakiramdam ko may kasalanan ako sa naging sagutan nila.

Bago ako madala sa mga alalahanin ay mayroong humila sa akin patungo sa girls comfort room. Panatag akong nagpatangay dahil si Aries lamang pala ito. Kinabahan ako kanina dahil akala ko talaga ibang tao na. Isinara niya ang pinto nang makapasok kami.

"Sana sa susunod na magkikita tayo ipaalam mo muna sa akin. You almost scared me" malumanay kong suway.

Her face was void of any emotion. Katulad nang dati, napakaseryoso niya. Kinakabahan tuloy ako kapag siya ang kausap.

"Ambush meetings are the safest, sorry. Baka kasi may mga matang nagmamatyag sa atin hindi lang natin alam" she explained.

Napatango ako. Aaminin kong hanggang ngayon naninibago pa rin ako sa mga kababalaghang nangyari.
"Okay, ihahanda ko na ang sarili ko palagi. So, what did you find out?"

Walang pasabing hinawakan ng malamig na malamig niyang kamay ang palad ko. Although it gave me strange sensations, I still let her hold my hand. Saglit siyang pumikit at pagbukas ng kanyang mga mata nakatutok ito sa akin.

"Puro haka-haka ang nabuo ko sa ginawang pag-iimbestiga. And I confirmed one of my conclusions just now"

My forehead furrowed in confusion.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nanikip ang aking dibdib na tila ba inaasahan kong hindi magandang balita ang dala niya. Shivers ran down my spine.

"Dalawang buhay ang dinadala mo sa iyong sinapupunan kaya nakumpirma kong planado ang panggagayuma sa inyo. Ramdam ko na kung sino man ang may pakana nito hindi pa siya tapos---"

Sumasakit habang tumatagal ang aking ulo kaya nagsalita na ako upang patigilin si Aries.

"Sandali, hindi kita maintindihan. Paano mo nalamang nagdadalang tao ako at kambal ito?"

Ang daming impormasyon ang pumapasok sa aking utak na ayaw ko namang tanggapin.

"Parte ito ng kakayahang pinagkaloob sa amin."

I touched my abdomen part. Wala sa karakter ni Aries ang magbiro. Saka napatunayan na niya ang tinatagong abilidad nang sabihin niyang buntis ako, kaya malabong pumalya siya sa pagsasabing kambal ang sanggol na dinadala ko.

Bakit umabot sa ganito? Twin babies? Sobra naman ang paglalaro ng tadhana sa buhay ko! Where does this put me in the end? Will I be aching and dying?

"Paano nang---"

Kaunti na lang mawawala na ako sa tamang huwisyo.

"Huwag iyan ang alalahanin mo, may malaking problema na dapat nating mas pagtuonan. I need you to be careful. Katulad nang sinabi ko kanina, yung may kagagawan nito hindi pa siya tapos sa inyo" she cut me off.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon