[Opening up the Past]
Polaris POV continues
Nagpasalamat ako kay manong, family driver ng pamilya Xander, bago bumaba sa sasakyan. Heto na naman ako at bumibisita sa mansyon nila. Nakapangako kasi ako kay Lola Amanda na dadalawin ko siya ngayong araw.
The maids greeted me as I went inside the mansion. Nakasalubong ko ang isang katulong na nawalan ng balanse at nabitawan ang kahong hawak-hawak. Nagkalat ang laman nitong mga litrato sa sahig. Lumapit ako para tulungan siya pero natigilan ako nang makita kung sino ang mga nasa larawan.
Biglang sumikip ang aking dibdib. Nakaramdam ako ng libo-libong kirot sa puso ko. Those scattered pictures are Herseus and Aquarius when they were still together. Umangat sa paningin ko ang isang partikular na larawan dahil may kasama silang batang lalaki na kahawig ni Aquarius doon. Kinuha ko iyon para makita ng maigi.
"Polaris, glad you ---" naputol ang pagbati ni Venus nang makita kung ano ang aking hawak.
Inagaw sa akin ng namumutlang katulong ang hawak na litrato. Naratatarantang ibinalik niya sa kahon ang lahat ng mga ito. Hindi siya makatingin sa akin na para bang malaking kasalanan ang kanyang nagawa.
"M-Mauuna n-na po ako, ma'am" nauutal na paalam ng katulong.
Lumipat ang atensyon ko kay Venus. She smiled obviously nervous. Ninais kong magsalita upang hindi halatang apektado ako sa nangyari pero walang lumalabas ni isang kataga mula sa aking bibig.
"Sorry, natambak kasi iyon sa attic. Ngayon ko pa lang naipatapon" paliwanag niya.
I tried to smile but it did not show.
"Sino yung batang lalaki kasama nila?" tanong ko. I want to be firm enough to know everything in Herseus' past. It will definitely hurt but I can endure the pain for him.
"Congratulations! I heard it was a twin babies. Magkakaroon na ko ng mga pamangkin!" pag-iiba nya sa usapan.
Doon na sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. Hanggang ngayon para pa rin akong nakalutang sa ulap dahil sa kambal. I like to talk about them a lot but at the moment I am determined to know his past with Aquarius.
"Thanks but do not change the subject, please" I asked nicely.
Napabuntong hininga siya na para bang sobrang hirap siyang sagutin ang simpleng tanong ko.
"It was Andrew. Kapatid siya ni Aquarius" she answered looking at me to get some reaction.
Nilunok ko ang naramdamang tinik sa aking lalamunan.
"Siya ba yung namatay sa pinag-uusapan noong car accident na sangkot si Herseus at ang dati niyang nobya" usisa ko ulit.
Napatanga si Venus. Nawalan na ng kulay ang kanyang mukha. I feel grateful because I know she was being considerate to my feelings.
"Are we going to talk about the past?" kompronta niya sa akin.
Tuloy pa ba? Ni di pa siya nagkukwento nahihirapan na akong huminga.
"Can we?"
"Bakit?"
I bite my lowerlip not allowing myself to spill my real intentions.
"I... I just want to know. Alam mo namang hindi ko ito maitatanong kay Herseus."
Speaking of Herseus, I cannot forget the kiss we shared last night. It felt like it took too long for us to end it. When our lips parted, we were panting like we inhaled air for the first time. Hindi naman namin ito pinag-usapan na ipinagpapasalamat ko ng lubos. Kaninang umaga nga namihasa ang gwapong halimaw at nakaulit ng pagnanakaw ng halik sa labi ko. After what happened, I cannot find a perfect timing to ask him about memories buried already.
"Hindi mo na naman kailangang ungkatin ang nakaraan. Sigurado ako na wala nang pakialam ang pinsan ko tungkol doon. What he only cares is what he has now, you"
Humaplos sa aking puso ang huling mga salitang sinabi niya. It makes me want to forget my plans. Natutukso akong huwag bigyang pansin ang masaklap na hinaharap ko. However, if I let this be, it will be unfair to my loved ones especially to Herseus.
"Alam ko pero gusto ko talagang malaman. Venus, please! Refusing to tell me about it won't stop me from digging up the past. Ayaw ko na ibang tao ang lalapitan ko para rito"
Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya para mapagtanto niya kung gaano ako kadesidido. Siya na ang unang nag-iwas ng mga mata. Does that mean yes?
"Fine, let's talk about this in the living room. C'mon."
Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa sala. Magkaharap kaming naupo. Hinintay muna naming umalis ang katulong na nagdala ng juice para walang makarinig pa sa aming pag-uusapan. Venus gazed at nothingness. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata habang hinihintay siyang magsalita.
"Si Andrew... Madaling napalapit ang loob ni Ax sa batang iyon. Tinuring niya na itong parang sariling kapatid. They bonded really well. That's the reason why couz blames himself because he failed to save Andrew."
Parang pinipiga na ang puso ko sa daming pagdududa. Kaya ba madaling napalapit si Herseus sa mga kapatid ko kasi nakikita niya si Andrew sa kanila?
"It was supposed to be a happy road trip. Silang tatlo nina Ax, Aquarius at Andrew ang magkakasama ng araw na iyon. Pauwi na sila nang banggain ng truck ang sinasakyan nilang kotse. Nabuhay sila maliban kay Andrew. Sinisi siya ni Aquarius sa pagkamatay ng kapatid niya. Hindi ko man alam ang buong pangyayari, sigurado akong ang trahedyang iyon ang nagsanhi ng malaking lamat sa relasyon nila. Then, they broke up just like that."
Naghiwalay sila hindi dahil di na nila mahal ang isa't isa. There is still a chance left for them to patch things up. Kung mabibigyan sila ng pagkakataong makapag-usap, ano kaya ang mangyayari?
They can have either a closure or a second chance. Anuman ang pasya ni Herseus hahayaan ko siya pero mas makabubuti kung ang huli ang pipiliin niya. Hindi ko magagawang panindigan ang pagmamahal ko sa kanya kung meron man kaya itutulak ko siya papunta sa iba. Wala na akong pake kung masakit ito sa parte ko.
Naagaw ni Venus ang atensyon ko nang hawakan niya ang aking kamay. She looked at me with sincerity as a soft smile formed on her lips.
"Well, past is past. Honestly at first, ayoko sayo para kay pinsan kasi halata namang gusto ko pa silang magkabalikan ni Aquarius. Kaso, noong nakita kong manumbalik ang kinang sa mga mata ni Ax dahil sayo nagpasalamat ako sa Diyos. You made him feel again so thank you. Please, do not leave my couz behind." she heartily said.
I hugged Venus before I burst out into tears. Parang napawi ang takot kong ako ang talikuran ni Herseus sakaling magkaayos sila ng dati niyang kasintahan. I believe that he cares for me and for our babies more than anything.
Sapat na naman kami ng kambal, diba?
Pero ang makasarili ko naman para akuin ng buo si Herseus. After the curse takes away my life, I will no longer hold on to my promise. Maiiwan ko siya at ayaw kong isipin na hindi niya kakayanin na wala ako sa kanyang tabi. Ayaw ko na kasabay nang paglisan ko ang pagkawala ng kulay sa buhay niya. I hope and pray that he and our babies will be fine even if I will be gone for good.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.