[Change the Ruthless King]
Polaris' POV
Ayoko na sanang umuwi sa bahay. Ayoko siyang makasama. Ayokong masilayan ang mukha niya, marinig ang kanyang boses at higit sa lahat, ayokong sumariwa sa aking isipan ang aming mga alaala. Gusto kong burahin ang mga ito at bumalik sa dating ayos ng buhay ko.
Gusto kong magdabog, sumigaw, umiyak, tumalon at magreklamo sa nangyayari pero ang tanong, may magbabago ba? Malulutas ba ang problema? Matatapos ba ang paghihirap ko?
Iisa lang ang sagot, isang tumatagingting na HINDI.
Walang mababago kaya dapat ay tanggapin ko. Walang lugar para umiyak. Dapat maging malakas ako. Ang inaasahan ng iba na kapag binuhusan ka ng suliranin sa buhay ay dadapa ka at susuko. The expense of their smile is seeing you torturing yourself.
Would you give it to them or would you try surviving for your own sake?
Hindi ko ipapakita sa may pakana ng panggagayuma sa amin na nagtagumpay siya sa pagsira sa buhay ko.
Binuksan ko ang pinto ng bahay. Nakapatay ang ilaw. Wala akong maaaninag kundi dilim. I turned the switch on na madali kong nakapa. Halos mapapitlag ako nang makitang nakaupo si Herse--- este stress sa couch.
Ganoon naman siya sa buhay ko, diba? Isang malaking stress.
Nilapagpasan ko siya na hindi sumusulyap sa gawi niya. I acted like he does not exist.
"I thought you left"-Ax
Hindi ako pinalaking bastos kaya kahit ayaw ko siyang kausapin, nagsalita ako.
"Kung pwede lang, aalis ako"-Pola
Wala akong nakuhang tugon sa kanya kaya dumiretso ako sa aking silid. Naupo ako sa paanan ng kama. I touched my womb. I cannot help but feel resentment. Pumikit ako, pilit na dinadama ang sanggol sa aking sinapupunan. Hindi ko pa rin magawang tanggapin na buntis ako.
I sighed, looking my reflection at the mirror. Bumaba ako pagkatapos magbihis ng pambahay. Herseus was still on the same spot. Umupo ako sa katapat niyang upuan.
"We need to talk." kuha ko sa kanyang atensyon.
Nag-angat siya ng tingin.
"About what?" nagtatakang tanong niya.
Looking at Herseus right now reminds me of how he disappointed me, no, he made me feel much worse. I trusted him, yet he let me down. Never did I allow myself get played so I hate him for making me the dumb victim in his falling game. It hurts so much to be used.
"If I should stay or not. Gusto ko ng kumalas. Being with you suffocates me, Herseus. I want an annulment"
Herseus was too astonished to respond so I continued.
"... pero naisip ko ang idudulot nito sayo. I am not as heartless like you so I consider making conditions you have to obey for me to stay"
Disbelief was written in his gray eyes.
"Are you blackmailing me?"
Matapang kong sinalubong ang kanyang mapanuring tingin. Hindi ko hahayaan na maging mahina ako sa harap niya.
"You can put it that way. Wala akong pake basta susunod ka dahil kung hindi I will fill an annulment ora mismo"
He smirked playfully.
"What are your terms then, sugar?"
Nangatog ang aking mga tuhod. Hindi ako maaaring magpaapekto sa kanya kaya pormal akong naglatag ng mga kondisyon.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.