Chapter 54

425 7 0
                                    

[Reminiscing Delfina's Memories]

-Based solely on Delfina's narration-

(Ang mga nalaman ni Ax na isasalaysay ni Delfina)

Matagal akong nanatiling tuliro sa harap ng salamin. Pakiramdam ko ay hindi ko na kilala pa ang aking sarili. Kahit saang anggulo ay wala na ang dating ako na naiwan yata kasama ang pagmamahal na tinalikuran ko.

Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa aking magkabilang pisngi nang marinig ang katok mula sa pinto.

"Handa ka na ba?" tanong ng pinsan kong si Menay na bahagyang binuksan ang pinto.

"Susunod na lamang ako" nakangiti kong sabi kahit naghihirap akong kumbinsihin ang sariling maging masaya.


Dalawang buwan na ang lumipas simula nang aminin ni Peter kay Cassandra na may namagitan sa amin at malaman kong nagdadalang tao ang pinagtaksilan kong kaibigan. Sa tagal ng aming pinagsamahan, ganoon lamang kadali nasira ang lahat. Alam kong kaduwagan ang magpakalayo-layo para putulin ang ugnayan naming tatlo ngunit ito ang pasya ko.

Lubos kong kinamumuhian ang aking sarili. Aaminin kong malaking kasalanan ang nagawa ko, hindi ko ito itatanggi. Hinayaan kong malupig ako ng sariling damdamin at ang naging kapalit nito ang paglikha ng lamat sa pagitan namin ni Cassandra na walang pag-asang maaayos pa.

Umahon ako sa aking silya upang hindi na maligaw sa paggunita ng kahapon. Sa araw na ito, pakakasalan ko si Manolo.

Galing siya sa marangyang angkan na matagal nang nais hinggin ang aking kamay upang makipag-isang dibdib sa akin. Sumang-ayon naman ang mga magulang ko upang masalba kami sa pagkakautang at kahihiyan.


Paglabas ko sa silid ay sumalubong sa akin si Menay. Inabot niya ang bugkos ng puting mga rosas na tinanggap ko naman. Simula sa araw na ito, mabubuhay ako para sa magiging kabiyak at sa bubuin naming pamilya.

>>>>>>>


Lingid sa kaalaman ng iba, nauna akong magdalang tao. Hindi rin katulad nang inaasahan ninuman ang ama ng batang ito. Hindi kay Peter ang dinadala ko dahil walang pagdududang kadugo at laman ito ni Manolo.

Marahil nga namangka ako sa dalawang ilog ngunit totoong minahal ko si Peter. Napilitan lamang akong ibigay ang sarili ko kay Manolo sapagkat baon na baon na ako sa utang na loob sa kanya noon pa man. Naging mapusok din akong para sumugal kay Peter sapagkat alam kong di ko na hawak ang buhay ko kaya kahit sandali lang, gusto kong hayaan ang sariling lumigaya.

Nang ipinanganak ko ang anak namin ni Manolo ay napilitan kaming bumalik sa Maligaya. Labag man ito sa aking kalooban, hindi ko naman kayang ipagkait sa kabiyak na dumamay sa ina niyang may malubhang karamdaman.

Umabot sa akin ang umuugong na balitang kabuwanan ngayon ni Cassandra, habang madalang namang umuwi si Peter sa bayan.



Nang mapatulog ko ang aking minamahal na anak ay maingat ko siyang inihiga sa kuna. Sa paghihintay sa pagdating ni Manolo ay nakatulog ako nang di namamalayan. Naalimpungatan lamang ako sa ingay ng pagtatalo ng dalawang pamilyar na boses sa labas.

Sumilip ako para malaman kung sino ang nagtatalo sa payapang gabi. Nadatnan ko ang asawa kong si Manolo at ang kapatid niyang si Miguel na malapit rin na kaibigan ni Cassandra.

"Tanging sa mararamdamang sukdulang poot ni Cassandra makakamit niya ang tunay na kapangyarihan na siya ring magpapagaling kay ina sa kanyang karamdaman" pangungumbinsi ni Miguel kay Manolo.

"Anong balak mo?" kompronta ng aking asawa.

"Papatayin ang kanyang supling at lilikha ng ilusyong paniniwalaan niya. Siguro'y isang maikling eksena ng masayang pamilya ng iyong asawa at ni Peter." nakangising paliwanag ni Miguel.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon