[My Heart Beats For You Secretly]
Polaris' POV
Una kong nasilayan ang puting kisame nang magising ako. Paglingon ko sa sulok ay nakita ko si Herseus. He was napping while he was holding my hand. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang lahat bago ako mawalan ng malay.
"Herseus ang kambal?" halos hindi makahingang usisa ko.
Sa ginawa ko ay nagambala ko ang kanyang pagtulog. Nang mapagtanto niyang gising na ako, niyakap niya ako agad.
"The babies are safe" masuyo niyang bulong kasabay nang pagdampi ng malambot niyang mga labi sa aking noo.
"Ipinahamak ko sila, hindi ba?" aking paninisi sa sarili.
Humigpit ang kanyang yakap pero puno pa rin ng pag-iingat.
"Shhh, sugar. Ang mahalaga ligtas kayo ng kambal kaya makabubuti kung kalilimutan mo na lamang iyon dahil hindi mo naman dapat akuin ang guilt sa nangyari" he said, consoling me.
Pinigilan ko ang pagdagsa ng emosyon sa aking puso. Tama si Herseus lalo at makasasama sa kambal ang kahit anong stress.
"Do you want something? Food? Water" he asked with a warm smile. Hindi ko mapigilang suklian ang kanyang ngiti.
Tinulak na kita at pinagtabuyan kaya bakit andito ka pa rin?
I hugged him back losing control of my emotions.
Bumalik sa isipan ko ang mga nasaksihan bago mawalan ng malay. The betrayal Cassandra have experienced after being merely in love with a wrong man. Malupit ang mundo ngunit mas malupit ang tao. Hindi siya nakailag sa kalupitang iyon na yumurak sa pagkatao niya. Yung pakiramdam na sagad na sagad na ang pride mo. Pakiramdam na isinuko mo lahat pero wala kang napala, lalo ka lamang nawasak.
Ngunit ipinagtataka ko ang nangyari. Paanong nasaksihan ko ang nakaraan?
Sa bawat araw na lumilipas lalong nababalot ng misteryo ang buhay ko. Ang sumpa, ang gayuma at ito. Minsan ay gusto ko ng sumuko. Ang sumpang hindi mababali, ang gayuma na sinira ang pangarap ko at ito na hindi ko alam kung saan nagmumula. Idagdag pa ang may kasalanan kaya nagayuma kami. Hanggang ngayon hindi pa namin malaman-laman kung sino ang may pakana nito. Ang hirap kasi para kaming naghahanap ng taong hindi nag-e-exist.
"Umuwi na tayo" yaya ko.
Nang bumakas ang pagtutol sa kanyang mukha ay inihilig ko ang ulo sa dibdib niya para maglambing.
"What about let's sleep first like the usual?" he smoothly suggested.
"Like the usual?" nagtatakang tanong ko pabalik.
"Yung magkatabi tayo sa pagtulog. I miss it, I miss you. Being away from you makes me feel homesick." he sincerely said.
He even looked down so I won't notice the vulnerability visible on his face.
Pinigilan kong aminin na pareho kami ng naramdaman ng mawalay kami sa isa't isa. I must stay away but I cannot. Pangako, huling beses na ito. Pagbibigyan ko lang ang sarili ko. Isinawalang bahala ko ang aking hiya sa katawan tutal wala ng susunod pang pagkakataon.
I leaned towards him to kiss him fully on the lips. Noong una sobra siyang nabigla para tugunin ang halik ko pero di naglaon ay mas hinapit niya ako palapit sa kanya. We shared a passionate kiss putting all our feelings and fears of losing us.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasyGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.