Chapter 28

614 17 1
                                    

[Friendzoned]

Neptune's POV

Masarap pala sa pakiramdam kapag madalas mo nang kasa-kasama ang ultimate crush mo. Parang nililipad ka sa langit dahil andyan siya sa tabi mo. I cannot help but feel very happy. Sa katunayan, natatakot na nga ako na baka may kapalit ito. I am not ready to take a devastating heartache after having this kind of bliss.

I inwardly sighed. Magkasama na namin kami ni Jet. We were eating snacks inside the cafeteria. What we did in the past day and what we are doing now are not considered as dates. Magkaibigan lamang kaming palaging nagkakayayaan pero di ko mapigilang umasa. Sana, sana maging higit pa ang kung ano ang meron kami. Inasam ko ng ilang taon na magustuhan niya rin ako hindi bilang kaibigan kundi ka-ibigan.

"Hatid na kita sa next class mo"-Jet

I'm walkin' on sunshine! Panaginip ba ito? Kung oo, ayaw ko ng magising!

"H-Huwag na! May klase ka rin, diba? Malayo yon sa room namin. Saka kaya ko naman"-Neptune

Napakamot na lamang siya sa batok nang makitang buo na ang desisyon ko. He handed me my bag with utmost care.

"Ingat!"

Pagtalikod ko ay napangiti ako abot tenga. The world is so good. Falling in love was the best feeling, indeed. Ang bilis ng pintig ng aking puso pero ang gaan sa pakiramdam. Nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita siya. Sa aking paglingon bumungad sa akin ang nakasisilaw niyang ngiti.

"Neptune..." sambit niya at tila naiwan sandali ang sasabihin sa ere, "... I like you."

Napaawang ng kaunti ang aking bibig. Para akong nabingi at napipi.

Did he just said I like you? As in I LIKE YOU!

Tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap siya ng napakahigpit. I was overwhelmed with my emotions. Naalala ko pa ang pagbaba ng lahat ng hiya ko sa katawan para ma-stalk siya, madaluhan ang events na pinupuntahan niya at awayin sa social media ang mga bashers niya. Ang mga gabing hiniling ko na sana bukas ay himalang may mangyari at kausapin niya ko. Ang mga baryang inihulog ko sa mga wishing wells. Mga panahong hanggang tingin lang ako sa kanya. Mga pagkakataong nawalan ng pag-asa at inisip na wala akong chance kahit lunokin ko pa ang bato ni Darna.

Maybe, it is my turn to confess.

"I really like you----" nabitin ang idudugtong niya nang sumabat ako.

"I really like you too" matapang kong pag-amin.

Hinawakan niya ang kamay ko. I become stiff. Is this the part where he will ask me to be his girllfriend?

"I am glad that the feeling is mutual. Sana tumibay pa itong pagkakaibigan natin"

Parang nabuhusan ako ng daan-daang bloke ng yelo.

Pagkakaibigan?

Akala ko talaga ---

Pero pagkakaibigan lang pala.

"Huh?"

Biglang ang hirap huminga. Parang alam ko na kasi kung saan patungo ang pag-uusap namin. Don't be such a killjoy, destiny!

"I really like you as a friend"

Sa taas ng nilipad ko ay katumbas ng  baba rin ng ikinabagsak ko. Ganito pala kasakit umasa. Bwiset, hindi ko napaghandaan na darating ang araw na ito. I ignored the possibility that Jet would draw the line. Masyadong malaki ang bilib kong magiging higit pa sa kaibigan ang turing niya sa akin.

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon